Disclaimer: This story and everything in it (names, places, organizations, businesses, others) are purely fictional.
"Ligawan mo na kasi! Yung Old Skul Panliligaw, teh!", pang-uudyok ni Dodi.
Nakahiligan naming tawagin ang isa't isa ng 'teh' simula nang maging magkaibigan kami. Marami kasing bakla at mga babae sa lugar namin na ganyan ang tawagan kaya ginaya namin. Ayos ba?
"Gago ka ba?"
"Bakit?"
Sinapak ko siya sa braso.
"Sa tingin mo magpapaligaw 'yan? Diring-diri nga sa akin nung una kaming magkita."
"Noon yun, teh, ngayon, magkaibigan na kayo. Mabait naman siya, eh," sang-ayon naman ni Yoyong.
Tinitigan ko ang pinakamagandang babae sa buhay ko. Nagtatawanan sila nina nanay at tatay.
"Tsaka matanda ka na, teh. Galaw-galaw!"
"Artista pa naman ang karibal mo. Ikaw...", tinignan ko ng masama si Dodi. "Ikaw? CEO, teh! Ang taas! Wooh!"
Isa pa 'yan. Hindi porket ganyan ang posisyon ko ay sigurado nang mamahalin niya rin ako. Hindi naman ako karapat-dapat niyan eh. Nakalagay lang sa huling bilin ni Lolo.
"CEO eh wala naman akong alam sa pinasok ko. Ano naman ang ipagmamayabang ko sa kanya?"
"Edi stay lowkey! Stay humble! Show her the real you. Women do not base on looks or status, teh, they look at the attitude!"
"Ayos, teh! Galing mo ah. Sa'n galing yan?", natatawa kong sambit.
"Sa Twitter! Pa-follow ha."
Napailing ako. Okay na sana eh.
"Ganito nalang. Maging kaibigan ka lang sa kanya, teh. Ipakita mo ang tunay na Chandler. Maging totoo ka lang," ani Dodi.
"Alam mo namang hindi ako nagpakatotoo sa umpisa pa lang. Paano ko gagawin 'yan ngayon, teh?"
Nilagay ng dalawa ang mga daliri sa gilid ng ulo. Tila nag-iisip.
"Kakapal ng mukha niyo, wala kayong mga utak uy!"
"Wow, kami lang?"
Napasinghap nalang ako.
Binalik ko ang tingin sa babaeng gusto ko... o mahal ko na yata. Hindi lang siya maganda dahil sa pagkulot ng buhok niya, sa kurba ng labi niya, sa perpekto niyang mga mata, sa porselana niyang kutis o sa hubog ng katawan niya.
Maganda siya dahil busilak ang kalooban niya. Hindi siya namimili ng tinutulungan. Pero mukhang nagkamali siya sa akin... tinutulungan niya ako para sa wala. Ginagamit ko ang tulong niya para mapalapit sa kanya.
Tinamaan talaga ako.
-
Cover by: artbyhany on IG :)
YOU ARE READING
You Belong With Me
Teen FictionThe elegant Portia Susanna Divesta-Hojas has her own clothing brand and is a CEO of her Grandmother's company. She then meets a guy with out of this world fashion sense who turns out to be the CEO of their partner-company... Chandler Dean Gorez-Mont...