"So lumaki ako sa Tondo..."
Why am I not surprised? I maintained a straight face while listening to his life story that no one asked for. I sipped on my latte while he drank his in one gulp.
We are still at SM Aura. Manong Ronnie got all the shopping bags already and I decided to take a break because Chandler kept complaining about how hungry he is!
"Tanungin mo ako kung bakit sa Tondo," nakangiti niyang utos.
"Can you just go on with your story?", bored kong sagot.
Chandler frowned.
"Huwag na nga lang. Mananahimik nalang ako."
"Okay."
I shrugged and busied myself with my phone. There were lots of e-mails that I needed to read and answer.
"So ayun nga 'di ba, sa Tondo ako lumaki," napaangat ang tingin ko sa kanya with my brows furrowed. Akala ko ba mananahimik nalang siya?
As a sign of respect, I put down my phone and listened to him... uninterested.
"Alam mo kung bakit? Tinakwil kasi ni Lolo si Papa. Yun oh! Teleserye, men!"
Nabigla ako roon pero madali naman akong nakabawi. This time, I was interested of what he would tell me. Chandler leaned on the table and scrunched his nose.
"Noon kasi, dancer sa bar si nanay. Eh, itong tatay ko hobby raw ang magpunta sa mga bar at club kaya ayun nagkakilala sila. Tapos ayaw daw ni Lolo kasi nakakahiya si nanay pero hindi nagpatinag si tatay! Nag-tanan sila at nagpakasal nang mag-eighteen si nanay!"
"Hold up, you're mom was underaged?!", naeeskandalo kong tanong. Chandler hushed me.
"Hoy, 'yang boses mo. Baka akalain nila hinohold-up kita! Tsaka 'wag ka ngang judger! Kailangan ni mama ng trabaho noon!"
Oh my gosh! I am not against people who work on bars and clubs but I think labag sa batas kapag underaged. Good thing his mom wasn't arrested!
"Tapos 'di ba, kinasal sila... aba ipinanganak ang pinakagwapong bata sa mundo! Oops, bawal pumalag!", tumawa siya as if he's funny. I rolled my eyes and crossed my arms.
"Kukunin nga raw dapat ako ng Lolo at Lola noon dahil baka hindi raw ako kayang buhayin nina tatay pero ipinaglaban nila ako! Lumipat kami sa Mindanao noong baby pa ako para makalayo at doon din isinilang si bunso. Pero bumalik din kami sa Maynila noong grade 5 na ako dahil namatay si Lola. Tumira ulit kami dito, hindi ko nga gets si tatay kung bakit pinili niyang bumalik dito eh ang payapa ng buhay namin sa Surigao noon! Nang tumira ulit kami sa Tondo, naging mahirap ang buhay. Alam mo naman dito sa Maynila..."
So, that's his story...
"If you don't mind me asking, bakit kayo naghirap? Hindi ba talaga kayo tinulungan ni Señor Juan? I heard he's a good man."
"Tinulungan naman kaso, itong tatay ko, hindi maka-move on sa pagtakwil sa kanya! Hindi rin niya kinausap ang mga kapatid niyang sina Tito Ben at Tito Don. Kaya ako nalang at si bunso ang bumibisita kay Lolo at Lola tsaka kila Seth at Iñigo."
"Bakit hindi kita nakita sa lamay at libing ni Señor kung ganoon?"
Chandler chuckled and shook his head.
"Hindi ko maiwan si tatay eh. Iyak siya ng iyak dahil hindi niya man lang nakausap ang Lolo. Ni hindi nga siya makapunta sa lamay dahil sa sobrang pagsisisi. Bumisita lang kami nang lumipas ang isang linggo."
I can't imagine not being able to say goodbye to my parents, or to anyone I love, when they pass. Chandler's father must have been devastated...
"So, how did you know about the will?"
YOU ARE READING
You Belong With Me
Teen FictionThe elegant Portia Susanna Divesta-Hojas has her own clothing brand and is a CEO of her Grandmother's company. She then meets a guy with out of this world fashion sense who turns out to be the CEO of their partner-company... Chandler Dean Gorez-Mont...