Epilogo.

1 0 0
                                    

"Wala na tayong magagawa, Joseff. Iyan ang nakasulat sa last will ng Papa."

"Mahihirapan ang anak ko diyan, Ben! Mag-isip nga kayo!"

Nakatanaw lang ako sa labas ng malaking bintana na tanaw ang syudad habang nagtatalo si Tatay at ang mga tiyuhin ko.

"Matalino si Bokbok. Kaya niya ang responsibilidad na 'to."

"Dy, baka tama si Joseff. Mahihirapan si Chandler. Let Seth and Iñigo do it."

Namatay ang lolo noong nakaraang linggo. Ngayong araw, binasa ng abogado sa amin ang huling bilin niya. At yun ay ang mamahala ang panganay na apo sa kumpanyang binuo niya.

Hindi ako bobo o inutil. Kung gugustuhin at pagsisikapan, kayang-kaya ko naman ang trabahong iyon. Pero kawawa naman ang dalawa kong pinsan na nagtrabaho para kay Lolo. They deserve the position.

Isa akong arkitekto sa isang maliit na firm. Wala masyadong kita dahil parang puchu-puchu lang doon pero ayos na rin. Hindi naman din namin kailangan ng maraming pera. O baka palusot ko lang 'yan. Pagkatapos ng kolehiyo, bigla akong nawalan ng gana sa pagkamit ng pangarap.

"Ako muna ang tatayo bilang Chief of Executive Operations, Joseff. Bibigyan ko si Bokbok ng oras para makapaghanda," ani Tito Ben.

Umuwi kami pagkatapos non. Hindi ko matagalan ang matalim na tingin ng mga asawa ni Tito Ben at Tito Don. Galit sila dahil hindi si Seth o Iñigo ang napili ni Lolo.

Hanggang isang araw, may himalang dumating. Nagbati si Tatay at ang mga kapatid niya kaya kinumbinsi niya ako na kunin ang posisyon.

Nagbasa ako ng mga libro tungkol sa negosyo, mga reports sa opisina, mga magazines... lahat ng pwedeng makatulong sa akin.

"Sino 'to? Ganda ah!"

Ibang magazine na ata ang nakuha ko!

Binasa ko ang cover page no'n.

"Live Life, Love Life... pag-ibig na naman!"

Itatapon ko sana pero hindi ko magawa dahil sa mukha ng babae na nasa cover. Kumportable siyang nakaupo sa malaking sofa, naka-puting bestida siya at nakatitig sa camera. Itim ang kanyang mahabang buhok na parang alon ng dagat, ang mga mata niya ay nakakaakit, ang mga labi niya ay parang gustong magpahalik, ang porselana niyang balat ay nakadagdag sa kagandahan niya.

"Portia Susanna Divesta-Hojas, Model-Socialite, heiress of Divesta Incorporated... ang yaman. See page 24..."

Binuklat ko ang magazine sa pahinang iyon. Mas maraming litrato ang nakalagay doon.

'..."Single but not ready to mingle", the socialite stated. She says she has no interest in romance as there are more important matters at hand...'

"Afatay, tatandang dalaga 'to."

Doon nagsimula ang pagsusubaybay ko kay Portia. Inaabangan ko ang mga interview niya, mga larawan sa internet at mga video niya na rumarampa.

"Bunso, asan na yung magazine dito?"

"Alin?"

"Yung sa Life Love este Live Love... ah basta yun!"

Kumunot ang noo niya.

"Ahhh! Ginamit ni Nanay."

"Para saan?"

"Nagsusunog siya sa likod ng mga dahon. Yun ang ginamit niya para—"

"Naaaaaay!"

Kinailangan kong bumili ng ibang magazine pagkatapos non. Badtrip si nanay, ginawang posporo ang papel!

You Belong With MeWhere stories live. Discover now