11

1.3K 52 14
                                    

She's the Princess and He's the Heir

Lorrence Jasper's POV

NO WAY!!! SYA?! SYA ANG PRINSESA?!

Hindi to pede. Pano naging?! Hindi naman sya mukhang prinsesa!

Nagtataka kayo kung pano ko nalaman? Nakapatong kase ang kamay nya sa lamesa. Shemay?! Baka naman coincidence lang, marami naman atang gantong singsing eh?

Sa lahat ng tao na pinaghinalaan ko, sya pala. Sya pala ang prinsesa.

Alam na kaya nya na ako ang nakatadhana sakanya? Alam naba nya ang tungkol sa kasunduan? Pano pag hindi nya ako gusto?

Nakakabakla pero kinakabahan ako. Kahit sa mga laro ko ng basketball dati hindi ako kinakabahan pero pagdating sakanya, parang umuurong lahat ng dugo ko sa katawan sa pagdaloy.

"Hoy Jasper kain na." Sabay tapik ni CL sa balikat ko.

Masyado bako natulala?

Nagsimula na ako kumain at napansin kong na biglang nag stiff ang katawan ni Kaizelle habang nakatingin sa.... kamay ko.

So may alam naden sya? Ibig sabihin..

"IKAW?!!" Sabay naming sigaw na naka agaw ng atensyon sa mga nandoroon

"Ang pagibig na hinintay?" Patanong na kanta ni CL habang tawang tawa

"Nako ano yan? Naguusap kayo sa isip? Pareho at sabay pa sinasabi nyo. Ayieee may something" kantayaw ni Irish

May something talaga sabi ko sa isip ko

"Wala ah" sabay ulit naming sabi at sabay kaming yumuko

"Uso ba magkasabay na salita ngayon?" tanong ni CL

"ha?" - Mariah

"Sabi ko uso ba—"

"hakdog"

"ALAM MO KUNG HINDI LANG KITA PINSAN SINAKAL LANG KITA." animo'y galit na sabi ni CL kay Mariah

"o?" sabi ni Mariah ng may nangaasar na tono

"oh talaga" sagot ni CL

"oblong" natatawang sabi ni Mariah at nagtawanan kaming lahat

Habang naguusap kami ay shempre hindi nanaman maiiwasan ang pmbabara ni Mariah sa pinsan nya na si CL.

"CL my cousin, may pickup line ako. Matino toh" sabi ni Mariah kay CL na busy sa pagbabasa ng libro.

Chandler Park's POV

"CL my cousin, may pickup line ako. Matino toh" nakakarindi boses ng pinsan kong to sarap katayin.

"Ano nanaman yan?" sagot ko ng may pagkairita

"aso kaba?" tanong nya.

Paniguraduhin nya lang na matino to kung hindi—

"Baket?"

"Kase mukha kang aso e HAHAHAHAHAHAHA"

Alam nyo, kung pede lang pumatay ng tao sa titig kanina pa dead on the spot tong si Mariah grr.

"SUSUMBONG KITA SA CRUSH MO! SINO ULE? YUNG STUDENT COACH ATA SA BASKETBA—"

"shut up or else" sabay tingin nya kay Kaizelle na tumatawa lang.

Patay tayo dyan, lagot lagot.

"Sabi konga" ang tanging sagot ko nalang.

Talo nanaman ako sa pambablackmail ng babaeng to sarap talaga neto katayin on the spot!

She was an ugly NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon