Sa Pangalawang Pagkakataon
ni ClandestineScribbler
Mahal mo pa ba siya?
Tanong nila
Limot ko na siya
Ano ba!
Pero isang araw
Tadhana’y nakisawsaw
Sa malayo kita’y natanaw
Sa di inaasahan, puso ko’y nalusaw
Pambihira!
Sistema ko’y nagwawala
Utak ay nangangamba
Limot na ba kita talaga?
Hindi maari
Sabi ko sa sarili
Ako’y magkukunwari
Makaiwas lang sa pagsisisi
Kahangalan mang maituturing
Patuloy na magsisinungaling
Sa sarili’y hindi aamin
Na ako ay isang talunan
Sa pangalawang pagkakataon
Puso’y nabihag mong lubusan
Sakit na dinulot mo noon
Tuluyan nang natuldukan
BINABASA MO ANG
Beneath this Mask
RandomBeneath this mask are my concealed random thoughts. (Poetry / Journal)