Lihim

76 7 1
                                    

Lihim 

ni ClandestineScribbler

Tila malikot na dagang costa itong puso

Nagwawala tuwing tingin mo sa akin ay dumadapo

Sa bawat ngiti mo waring ako ay hinahapo

Kung aaminin na ako sayo ay nagkakagusto

Ako kaya'y iyong masasalo?

Ika'y nagtaka pagkat kita'y aking iniwasan

Pagkukulitan natin tuluyan nang natuldukan

Hanggang sa lumamig ang ating pagkakaibigan

Kung sasabihin ko bang ako'y nahulog na ng tuluyan

Ako kaya'y iyong mauunawaan?

Mahal na kita, ramdam ko

Mahal kita ngunit naduduwag ako

Mahal kita ngunit hindi maari

Sapagkat ikaw ay kanya nang pag-aari

Beneath this MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon