047

130 2 0
                                    

CHARITY

"Anong ginagawa mo dito Zeke? Ang aga pa kaya." Bungad ko sa kanya pagkatapos ko siyang pinapasok.

May dala syang mga libro at mga papel.

"It's 10 am." Sagot nya.

Umirap ako sa kawalan at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Anak ng! Nagpakita ako sa kanya ng ganito ang itsura?! Tinakpan ko ang mukha ko at nagsalita.

"Magaayos lang ako. Dyan ka lang!"

Pagkatapos kong sabihin yon dali dali akong tumakbo sa kwarto para magsuklay, nag toothbrush at maghilamos. Nagpalit na din ako ng damit ko.

Sana kinain na lang ako ng lupa kanina. Paano kung may laway at muta pa ako nung hinarap ko sya kaninang umaga? Nakakahiya! AARGHH!

Lumabas ulit ako at presentable na ulit.

"Nag breakfast ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah." He said while putting those papers on my marble table.

Umupo ako dun sa harap nya.

"Para saan to?" Tiningnan ko rin ang mga nilalapag nyang papel. Mga nasa anim to at blanko.

"I was investigating the case of Sapphire. I want to know how smart the killer is." Sagot nya.

"Balak mo bang mag lawyer o detective?" I said while looking at him. Seryoso syang nagiisip.

I could agree with him. Tatlong linggo na kasi ang nakalipas. Sa tatlong linggong yon wala pang lumalabas na possible suspects. Sobrang bagal ng process ng justice dito sa bansa.

"Hiningi ko ang results ng autopsy nya sa tito kong kasama sa investigation." Seryoso niyang sabi.

He's really serious about this. So I listened to him.

"They are hiding something." Mahina nyang pagkakasabi ngunit narinig ko.

"W-what is that?" Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. I could sense danger.

Nginitian nya ako.

Hidden (EPISTOLARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon