126

87 2 0
                                    

CHARITY

Wala pa rin sila Kim . Maski si Tyron ay hindi ko mahanap. Nakalipas na ang 20 minutes wala pa din sila. Kanina pa nagsimula ang party at marami ng nagsasayawan. Sobrang ingay ng paligid.

Magkaharap lang kami ni Zeke dito sa table habang umiinom ng wine hanggang sa nabigla ako sa pagsulpot ni Sir Ramos sa harapan namin.

"Congratulations New Couple." Masayang bati nito sa aming dalawa ni Zeke. Naramdaman ko ang paghawak ng kamay ni Zeke sa bewang ko at inilapit ako sa kanya.

"Thanks sir." Maikling sagot ni Zeke pero nakaramdam ako ng kakaiba.

"Cheers." Itinaas pa ni sir Ramos ang wine glass nya at sobrang lawak ng ngiti.

"Cheers." Sabi ni Zeke.

Umalis din naman kaagad si Sir Ramos at nakihalubilo sa ibang estudyante.

Nakahinga ako ng maluwag.

"You should stay away from Sir Ramos." Seryoso pero mahinang bulong saakin ni Ezekiel.

Hindi ko siya matignan.

"Y-you think so?" Sagot ko.

Hinalikan nya ang pisngi ko. Saglit lang iyon. Basa pa ang labi nga dahil sa iniinom na wine.

Nagulat ako sa ginawa nya.

"Akala mo ba hindi ko napapansin? He always calls you to his office. May gusto sya sayo." Bulong nya sa tenga ko.

Nagsitaasan naman lahat ng balahibo ko.

"I-imposible." I said.

"I want you mine. Mine only. Let's dance." Hinalikan nya ang kamay ko pagkatapos niyang sabihin yon.

Nagpahila na lang ako sa kanya sa dance floor at sumayaw kami.

Hidden (EPISTOLARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon