151

70 2 0
                                    

CHARITY

Lumipas ang tatlong araw. Tatlong araw na usap usapan sa buong Campus ang pagkamatay ng dalawang estudyante. At hindi ko maiwasang marinig ang pangalan ko sa usapan nila.

"Malakas ang pakiramdam ko na iisa lang ang pumatay sakanilang dalawa."

"I think it has something to do with the scandal video."

"You think so? Kasi tingin ko rin."

"Tingin ko nga si Charity ang pumatay sa kanilang dalawa eh."

"Bakit naman papatayin ni Charity yung dalawang yun?"

"E diba nga natatandaan nyo nung nadatnang nakahandusay si Charity sa rooftop? After nun kumalat din sa buong campus kung sino ang may gawa nun. It turns out na si Rosell ang may gawa. Base na rin sa mga tweets ni Rosell. Obsessed yata kasi yun kay Ezekiel at hindi nya matanggap na sila na ni Charity kaya nya nagawa yun."

"Pero kahit na ganun, dapat hindi siya pinatay ni Charity."

"Tingin ko nga hindi lang isa ang pumatay sa kanya."

"What about sir Ramos? Nakita din sya sa crime scene."

"Sir Ramos? He won't do that. Let's admit that sir Ramos is a flirt but he won't kill."

"It's either Charity or Kim. Or both. Silang dalawa ang suspect sa pagpatay kay Rosell."

Nakarinig kami ng Pagtunog ng bell. Sign na tapos na ang lunch break. Narinig ko ang mga yapak ng mga babaeng naguusap palabas ng CR.

Ngayon, ako na lang ang naiwan dito. Pinipigilan ko ang sarili ko kaninang lumabas dahil hindi ko na kinakaya lahat ng sinasabi nila. Parang kutsilyong sinasaksak sa puso ko. Gusto ko na lang maiyak. Gusto ko na lang mawala dito.

Ezekiel is Busy with his secret investigation. Kim didn't attend classes three consecutive days. Prince? Wala akong balita sa kanya. Hindi ko rin siya naabutan sa klase. Si Tyron at ako lang ang laging magkasama dahil sa group project na gagawin namin.

It was hard. Pakiramdam ko magisa ko na lang dito. Pilit kong dina digest lahat ng sinasabi ng mga tao samin. Sira na ang pangalan ko sa industriya. I can't be a model anymore. Ganun din si Kim dahil sinasabing siya ang suspect sa pagpatay kay Rosell.

Hidden (EPISTOLARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon