053

130 4 0
                                    

CHARITY

Panay ang tinginan ng tao samin nang sabay kaming pumasok ni Ezekiel. Ngayon na lang ulit ako pumasok dito sa main gate ng school. Simula kasi nang kumalat ang video, sa likod ako dumadaan para hindi ako makita ng mga tao. Madami kasing galit at nandidiri sakin.

"Ngayon ko lang ulit nakita si Charity pagtapos ng tatlong linggo." Bulungan ng mga tao sa paligid.

Their deadly glares are dangerous. I feel like they're eating me alive.

Nabigla ako ng hawakan ni Ezekiel ang kamay ko at hinila ako sa tabi nya habang tinatahak namin ang daan patungo sa room.

Napatingin ako sa kamay naming dalawa dahil sa gulat ko sa ginawa nya.

"Zeke...."

Hindi sya nagsalita. He walked carelessly while holding my hand. Hindi alintana ang masasakit na tingin ng mga tao.

May mga narinig na naman akong bulungan.

"Slut."

"Omygosh hindi ako papayag na pati si Zeke landiin nya!"

"Hindi pwedeng masira ang image ni Zeke dahil sa kanya. No way."

Ilan lang yan sa mga masasakit na salitang natanggap ko. Masyado kong nahigpitan ang hawak sa kamay ni Zeke kaya napatigil siya.

"I'm sorry you have to hear that." He said.

"No. It's fine. I should be the one saying sorry. Hindi dapat masira ang image mo dahil sakin." I looked down.

Hinawakan nya ang baba ko at ipinantay ang tingin sa kanya.

Nag bell na kasi kaya nagsitakbuhan ang mga estudyante pabalik sa room nila at kami na lang natira dito sa hallway.

"My image won't be ruined because of you. You don't have to be sorry." He smiled at me.

Pilit akong ngumiti.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa may tumawag sa akin.

"Sir Ramos?"

Sabay kaming napatingin ni Ezekiel sa kanya.

"I have to discuss something with you." Sir Ramos said.

Tiningnan ko si Ezekiel at nginitian.

"You should go first." I said at bibitawan sana ang kamay nya pero hindi nya ko binitawan.

"Will you be okay?" Tanong nya.

I nodded.

Inalis ko ang pagkakahawak sa kamay nya at saka siya tinalikuran papunta sa office ni sir Ramos.

I suddenly felt something that could shaken my whole body again...

Hidden (EPISTOLARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon