2

1 0 0
                                    

"Nicola?" Narinig kong tinawag ako, ni Caleb.

I turned my back at him. Hindi ko lang pinapahalata na parang sasabog ako sa kilig sa simpleng pagtawag niya.

"Yes?"

I bit the insides of my cheeks. Shet grabe! Ito ba 'yung sinasabi nilang parang heaven kapag kausap mo 'yung crush mo? Gaaaahd!

He showed me a bookmark-- my bookmark. Oh, so eto pala ang naiwan ko doon sa room?

"It's yours"  he calmly said bago tuluyang iabot sa akin 'yung bookmark ko.

Alam kong akin ito kasi may letterings sa bandang ibaba na 'Nicola' at may few words din akong iniligay sa gitna nito para magkaroon ng design. I even painted it blue na nag fe-fade. Parang ombré ba

Dinampot ko naman iyon sa kaniya at nagsalita.

"Uh, thanks."

Iyon lamang ang nasambit ko at tumango lang siya. Umupo na rin kasi nga kakain na sila.

Agad naman akong tumalikod sa kaniya at lumakad na papalabas. Teka, asan si Pamela? Talagang babaeng 'yun! Iniwan na naman ako!

Padabog kong binuksan iyong double doors ng cafeteria at mabilis na naglakad. Kanina niya pa talaga ako bine-bwesit! Akala niya good mood ako kasi nakausap ko 'yung crush ko?! Nagkakamali siya!

Dahil hindi ko nga siya na hanap, doon na lang muna ako tumambay sa starbucks sa harapan ng school namin. Oh, di'ba sosyal talaga 'tong university na 'to eh.

"Goodmorning, Ma'am. May I take your order?" Tanong ng cashier

"1 Caramel Macchiato, grande"

All time fave ko 'yon. Nandito ako usually to study and sometimes, kapag na i-stress ako sa paligid. Like now ugh!

"Name po?" She asked me again

"Ash" I simply replied then went to find a seat.

Medyo at peace ngayon ang starbucks kasi hindi pa exams week kaya hindi ako nahirapan makakita ng comfortable seat. Doon ko napili sa gilid ng back door nila. Mukha kasi siyang cozy saka hindi ka ma e-expose sa mga tao kapag dumadaan.

Gusto ko sanang mapag-isa kaso nga lang, parang ang loner ko naman tignan dito di'ba? Kaya napag-isipan kong i-text na lang ang isa ko pang kaibigan.

Si Kino.

Maya-maya pa, dumating na siya. Mas nauna pa nga kesa sa order ko eh. He's the same year as Pam and I. We're friends since 1st year kasi nga blockmates kami kaso nga lang, nag shift siya sa Pyschology na course.

"Oh, mukha mo oy" he greeted me.

Ganiyan siya, panira din but pagpasensyahan ko na kasi nga baka umalis pa siya dito at maging loner na naman ako putcha.

"Upo ka nga, Ino. Nakakairita ka"

I rolled my eyes at him. Bahala na kung mainis siya sa'kin. I just need a company right now

"Chill ka girl. Wait, order lang ako."

Inayos niya muna 'yung mga gamit niya sa table saka tumayo at nag-order. Dami naman niyang paperworks. I slowly went through his notes, napatawa ako kasi 'yung isang page ay puno ng highlight. Like, everything is highlighted.

Akala ko ba important words lang ang nilalagyan ng highlight? Lol.

Okay lang sa kaniyang pakialaman ko mga gamit niya kasi he do this to me naman. Fair lang kami noh. Hinalungkat ko 'yung bag niya, para talaga siyang elementary. Kalat sis, grabe.

Between the LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon