4

5 0 0
                                    


Kumain kami sa isang korean restaurant dahil ako ang masusunod ngayon. I ordered my food na and ganoon din sila. While waiting, I fish my phone out to take a groufie para naman mayroon akong ma i-story mamaya sa IG.

"Pst, picture tayo" aya ko sa kanila

Kino seems bored, nasa tabi ko siya while kuya Nate and Pam are both seated next to each other hihi. Mukhang sasabog na talaga si Pam ngayon kasi halos hindi siya maka galaw sa inuupuan niya.

Agad naman silang umayos nung nag set na ako ng timer.

"Okay, 1..2..3.."

I took multiple shots para naman mayroong remembrance o 'di kaya'y pang blackmail kay Pam 'pag nagkataon lol

Maya-maya pa, dumating na ang order namin. Nagsimula na kaming kumain at natahimik na ang table. Awkward ata? Hindi naman kasi nagsasalita ang dalawang lalaki dito ta's ako at si Pam nagpapatayan sa tingin.

I cleared my throat, to start a conversation.

"So, kuya emcee ka pala?" I knowingly asked.

Duh, Ash kita niyo naman kanina. I shrugged the thought kahit na obvious naman

"Hindi, display lang ako dun kanina" then he rolled his eyes.

Ba't ka galet? Pilosopo pa eh. I looked at Pam na pinipigilan ang tawa. Mukha bang joke yung sinabi ng kuya ko? Haler

"Panget naman pala kung display ka dun. Panira ka sa view"

I shot my remark. Akala niya siya lang marunong mag sarcastic? Duh ako din no!

Now, it's Kino's time to laugh. Napatingin naman si Kuya sa kaniya at tinignan din ako. His eyes went to Kino's id cord maybe wondering kung anong year ito. Ngayon lang siya nagkaroon ng time mag scan sa mga kasama ko?

"Pysch ka pala?" Nabigla ako sa tanong niya

Magkadugo talaga kami no? Hehe

"Stating the obvious?" Napatingin ako sa gawi ni Kino.

Aba? Ba't parang may tension sa kanilang dalawa? May past ba sila? Ba't bitter ang approach?

Tinignan din ako ni Pam na para bang tinatanong kung bakit ganon ang sagot ni Kino sa kuya ko.

Kuya Nate, smirked. Saka pinahiran iyong labi niya ng table napkin. He seems annoyed

"Not really though. So far so good naman, right?"

He asked again.

I don't know pero biglang naging awkward ito for me. I don't know with Pam. Kuya Nate's face is stoic. Mukhang tina-try niyang itago ang pagka irita kung kaya't hindi ito kusang makikita sa first glance or so I thought?

I sipped on my juice saka tumayo to break their glares.

"Excuse muna, I'll grab some sweets doon"
I said and with that, Kino stood up to make a way for me.

Phew, mabuti na lang at naputol iyong tinginan nila. The way they exchange replies kanina, mukhang matagal na silang magkakilala. I wonder kung saan at kailan. I'm gonna ask Kino or Kuya Nate about that.

Busy ako sa pagkuha ng sweets ng biglang sumulpot si Pam sa gilid ko. Now, I knew it was a bad choice kasi naiwan silang dalawa doon.

"Ba't ka umalis? Damn baka mag-away sila!"

I slightly raised my voice to Pam kasi nga, baka magkaroon ng gulo dito. She just gave me a plain smile then kumuha din siya ng sweets. Ang weird nun ha

Between the LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon