Weeks had passed and hindi rin namin iyon namalayan dahil na rin siguro sa mga pinapagawa nang mga Profs. We've been busy, I think the whole school naman kasi today is the first day of the opening ng University week namin.
I just wore a simple outfit. A shirt, shorts and well, sneakers. I also put tint on my cheeks and some highlights na 'din para magmukhang fresh.
Half-day lang ata iyong program na gagawin nang club na naatasang mag organize ng event ngayon. Yep, every year iba-iba ang nag ma-manage ng ganap tuwing Uweek.
Pumunta muna ako sa Icafe para bumili ng snacks. I bet, Pam and Kino are already on the coliseum. Hindi pa naman pala pwede ang foods dun pano kaya kapag ma sita ako? Hay bahala na.
Pagkatapos kong bumili ng pagkain, dali-dali akong nakisingit sa mga students na pumasok sa loob. That's the only trick I can do for now, kasi naman hindi ako marunong bumali ng rules. Duh.
I texted Pam kung nasaan sila. She replied in an instant na nasa upper right daw sila sa 2nd floor ng Coli. I went there and putcha, daming tao. Iginala ko naman ang paningin ko pero saktong tumama iyon kay Caleb.
Hala teh! Nandito pala siya?
My face heated up noong tumingin din siya sa gawi ko. Parang hindi naman niya sinasadya pero hindi niya rin iyon dali-daling inalis.
I bit my lip. Shet. Stop it kuya! Nakakakilig na kayaaa!
"Hoy Ashley. Nandito kami"
I heard Pam's voice. Mukhang sumisigaw siya dahil nga ang ingay dito sa Coliseum.
"Ah, oo" sinabi ko iyon habang nakatingin pa din kay Caleb.
I saw his brows furrowed at saka pinutol na ang eye contact. Napatingin tuloy ako kay Pam na parang susuntukin na 'ko dahil sa inip. Well, she texted me na gutom siya and here I am, brought her food but na delay dahil nga sa eye contact namin ni Caleb.
Bigla niya akong hinila at nandito na ako ngayon sa tabi nila. Pumagitna ako sa kanilang dalawa dahil nga nandito sa'kin iyong pagkain na ipinabili niya.
"Ramdam ko, mananalo na naman accountancy ngayon" rinig kong sabi ni Kino
I just shrugged habang nginu-nguya ang pagkain sa bibig ko. Pam's a bit quiet dahil masyado siyang nakatutok sa emcee. Hmm, mukhang may pagnanasa siya!
Sinundan ko rin ng tingin at tama nga ako, may pagnanasa nga. I glanced at the emcee, oh shit!
Kuya ko! What the hell? Bakit hindi ko man lang alam na emcee siya?!
"Pam, kuya ko 'yang tinititigan mo." I stated habang umiiling.
Tumingin siya sa'kin na para bang nahihiya na natatakot. I don't know! The look on her face is really unreadable.
"What?!" She slightly raised her voice kaya napatingin na din si Kino sa'min.
"Anong problema?" He asked.
Shemay, akala ko into Kino si Pam eh! Kaya nga nagpahuli ako para magka moment sila tapos ngayon? Kuya ko pala target niya. Wow effort wasted sis
"Crush niya kuya ko, Ino" I said then laughed
"May kuya ka?" 'di makapaniwalang tanong ni Kino sa'kin.
Tangek! Hindi ko nga pala pinapakilala ang siblings ko sa kanila. Pam's my bestfriend pero we've known each other nung 1st year dahil na din sa mga common friends.
"Seryoso Ash, kuya mo 'yong emcee?"
Well, wala talaga siyang ka alam-alam ngayon. Hay, I'll explain na nga lang sa kanila.
BINABASA MO ANG
Between the Lines
RomanceThrough books, at an early age, Ashley find herself so engrossed in digging literature, especially on the literary part of it. She loves to write and express her thoughts through words. On the other hand, halfway, she met Caleb-- a musician and a l...