Pagdating ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko at humiga. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulala at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
"Daddy! sino po sila? Bakit nila tayo hinahabol?", tanong ko sa aking ama na hanggang ngayon ay takbo pa rin ng takbo.
Hindi ko malaman kung ano ang kaniyang gagawin.
"Hindi ko rin sila kilala, anak. Ang mommy mo puntahan mo! Puntahan mo anak! Dalian mo", itinulak ako papalayo ni Daddy upang mapuntahan ko ang aking ina.
Wala akong nagawa kundi ang tumakbo papunta sa Mommy ko at laking gulat ko nang naliligo siya sa sarili niyang dugo.
"Mommy! Mommy! Anong nangyari mom!" Iyak lang ako ng iyak. Bakit? Anong nangyayari? Hindi ko alam. Ang dami kong tanong sa aking isipan ngunit sumasakit lang ang aking ulo.
Unti-unti akong nakaramdam ng hilo at biglang dumating ang babae at..
Shit!
"Knock! Knock! Knock!", Napabalikwas ako ng bangon dahil sa katok sa labas. Pawis na pawis ako at hingal na hingal.
Binuksan ko ang pinto ngunit wala namang tao. Lumingon ako kaliwa't kanan at pababa. Kumunot ang aking noo nang makita ko ang isang blangkong papel.
Sino nagbigay nito?
Isinara ko ang pinto at bumalik sa kwarto ko. 10 AM na pala. Ilang araw ko na ring napanaginipan ang eksenang yun. Palaging ganoon. Kung tatanungin ko naman si Daddy sasabihin lang naman niyang normal na panaginip lang. Wala lang kamo daw iyon pero alam kong may mali. Hindi ko lang alam kung ano ang connection sa panaginip na iyon sa buhay namin.
"Dad, ano po ba ang nangyayari? Ano ang ibig sabihin ng panaginip na yun? Nangyari ba yun sa buhay natin?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya dito sa opisina niya.
"Anak, may mga bagay na hindi mo na dapat malaman pa at iyon ang makabubuti sa iyo.", kalmang sagot ni Daddy sa akin.
Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kaniya o hindi. Alam ko namang may tinatago siya at aalamin ko yun.
"Kung ayaw mong sabihin sa akin, ako ang maghahanap ng sagot Dad.", galit na sagot ko at lumabas dire-diretso sa opisina niya.
"Good Morning, Mr. Williams," bati sa akin ng mga katrabaho ko. Tipid na ngiti lamang ang aking ginawa at dumiretso na sa opisina ko.
Agad kong hinarap ang aking laptop at hinanap kung anuman ang koneksyon ng babaeng iyon dito sa lugar at sa buhay namin. Hindi naman gaano kalaki ang lugar dito ngunit hindi ko mahanap ang babaeng yun.
Sino ba siya? Anong pangalan niya? Anong ginagawa niya sa bar noong gabing yun? Sino nagpadala ng blangkong papel sa akin? Siya ba?
Shit! Sumasakit ang ulo ko.
Ipinatawag ko si Ashton at sinabi ang gusto kong ipagawa sa kaniya.
"Ash, nung gabing nasa bar tayo, may nakita akong babae.", panimula ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya.
"Sino naman ang babaeng 'yan? Anong pangalan?", tanong niya.
"Hindi ko mahanap dito sa Ether. Walang record. Ang linis. Unknown. Error. Wala talaga.", frustrated na sagot ko sa kaniya.
Sino ba ang babaeng yun at bakit sa akin lang siya nagpapakita?
"Sigurado ka ba diyan? Baka naman namamalikmata ka lang. Alam mo naman dito sa Ether lahat ng tao may records. Makikilala natin kahit na hindi sila pumupunta dito sa agency", pagpapaliwanag niya ngunit buntong-hininga lang ang aking naisagot.
Tumayo ako at lumabas sa agency upang bumili at magtambay ng ilang oras sa malapit na Coffee Shop. Nagtambay lang ako ng ilang oras doon at habang paalis na ako, nakita ko ang babaeng nagbibigay ng takot sa buong sistema ko.
Agad ko siyang hinabol at hinablot ang kaniyang braso. Nagulat siya sa paghawak ko sa kaniya ngunit agad ko siyang tinanong.
"Anong pangalan mo? Bakit palagi kang nagpapakita sa'kin? What do you want?", sunod-sunod na tanong ko na pati ako ay halatang nagulat din.
Umiling lang siya, "Kilala kita. Huwag kang mag-aalala hindi ako manggugulo.", walang emosyon niyang sagot at dire-diretsong nakatitig sa aking mata.
Umiwas ako ng tingin,"Sino ka?", tanong ko sa kaniya.
Tumawa siya ng mahina,"Hindi ako masiyadong nagpapakilala ngunit isa lang ang masasabi ko sa'yo. Pagkatiwalaan mo ang dapat pagkatiwalaan.", at saka siya tumalikod ngunit bago pa man siya makalayo..
"Ako nga pala si, Anastasia." hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa aking paningin.
Anastasia