"Another"
Crime/Mystery❗PLAGIARISM IS A CRIME❗
WARNING: SENSITIVE CONTENT.
"If only I could peek through your mind, what would it look like?" -Nam
POLICE LINE DO NOT CROSS
POLICE LINE DO NOT CROSS
POLICE LINE DO NOT CROSS
"An 18 year old girl was found dead here on Cornelian Street, City of Viscus" Ani ng isang reporter.
"Brutal na pinatay ang babae na nagtamo ng siyamnaput siyam na saksak sa buong katawan"
Patuloy lang ang pag-alingawngaw ng kanyang tinig habang inihahakbang ko ang aking panyapak tungo sa pinangyarihan ng krimen.
"Ang kanyang ulo ay pinugot mula sa kanyang katawan maging ang mga kamay at paa nito"
Mabigat ang bawat naging paghakbang ko. Pilit kong iniiwas ang aking paningin ngunit sadyang hindi ako makapaniwala sa senaryong aking nasisilayan.
"Kinilala ang babae sa pangalang..."
Bakit kailangang humantong pa sa ganito? Bakit? Sabihin mo sakin!
"Nam Rodriguez"
Umuwi ako sa bahay ng may bigat sa kalooban. Ibinaba ko ang aking bag at inihagis sa sulok bago umupo at humarap sa salamin. Sinambunutan ko ang aking sarili at sumigaw ng napakalakas.
"Huwag mo ng sisihin ang sarili mo. Hindi mo kasalanan" Sambit ni Dave.
"Tch! Bahala kayong dalawa mag suportahan" Saad naman ni Drake.
"Ano bang nangyari?" Tanong naman ni Diana.
"Ano kasi..."
"Tama na pwede!? Tumahimik na kayong lahat!" Pagputol ko sa muling pagsasalita ni Dave. They are all my friends kaya naiintindihan ko kung makiki-alam sila.
I don't know why the hell things turn out to this. I don't want it, bakit sa'yo pa nangyari 'to Nam? Bakit? If only I could turn back the time.
FEW MONTHS AGO
"Daniel! Daniel! Hoy!"
Nabali ang isip ko mula sa pag-iisip ng malalim nang pitikin ni Nam ang kanyang daliri sa harap ng pagmumukha ko.
"What's your problem? Kanina ka pa tulala? Alalahanin mong hindi ka pa nakakabawi sa'kin dahil hindi ka pumasok kahapon" Sambit ni Nam.
"Anong hindi pumasok? Diba tinulungan mo pa nga ako mag review?"
"Sira ulo! Nung isang araw pa 'yon!" Aniya sabay pukpok sa akin ng libro.
"Aray ko naman. Sorry na. Siguro dahil sa puyat kaya hindi na ako nagising at nakapasok" Sagot ko.
"Siguraduhin mo lang"
Napahigop nalang ako sa iniinom kong Milk Shake. I'm so scared of her lalo na kapag she's making that face. Mas concern pa siya sa future ko kesa sa'kin. Wala naman akong angal dahil she's building her own at kasama ako sa future niyang iyon.
"Oy Daniel! Galing mo kahapon ha next time ulit sama ka sa'min" Singit bigla nila Ross.
Kilalang problema ng mga teachers dito sa school yung taong 'yon. Kung meron mang estudyante na walang kinabukasan dito, masasabi kong siya na 'yon.
"Anong sinasabi niya!?" Pagalit na sambit ni Nam. She's giving me a tiger look and that scares me a lot.
"Hindi ko alam Nam..."
Binagsak niya ang kanyang libro at inimpake ang kanyang gamit bago tuluyang umalis.
"Teka Nam! I don't really have an idea what's his talking about. Lemme explain!" Pasigaw kong sambit.
But it's useless
Mukhang kailangan ko nanamang bumawi ng malupitan. Puñeta kasing Ross 'yan e. Kailan pa siya nagkaroon ng interes na guluhin ang buhay ko? Ni hindi nga ako dumidikit sa kanila e.
Nam... Ano pa bang masasabi ko? She's so pretty inside and out. Her chubby cheeks really fits her bangs and eyeglasses. She's an ideal. Rare to be found.
Days are normal until a bitch came to our life. Her name is Night. What a weird name isn't it? Pagkasilay ko palang sa existence niya ay alam ko ng hindi maganda ang dulot niya.
Unang beses ko siyang nakita noong nag-transfer siya sa school namin and unfortunately, kaklase ko siya at akalain mong pinaupo pa siya ng teacher ko sa tabi ko.
"I'm Night" Nakangiti nitong pagpapakilala sa akin.
"Hehe. Narinig ko nga kaninang sinabi mo sa harapan" Sagot ko. Hindi na naman ito umimik at nakinig na lamang sa aming guro.
She's so mysterious and although she's more beautiful and attractive than Nam, I'll never be interested on her. Because she's a bitch!
PRESENT
"Maybe that bitch is the suspect. Hindi niyo ba naaalala kung anong klaseng panggugulo ang ginawa niya sa inyo noon?" Ani Dave.
"Ano bang alam mo Dave? Hindi ba't lagi kang tulog?" Sabat ni Drake.
"Ano bang problema mo sa'kin? Bakit ikaw? Ano bang alam mo?" Sagot naman ni Dave.
FLASHBACK