𝙼𝙾𝚁𝚃𝙴𝙼 𝙸𝙸𝙸

149 25 33
                                    

________________❤︎________________

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

________________❤︎________________

"GOOD MORNING CLASS" Bati ni Ms.Adella pag kapasok sa aming Classroom. Nilapag ni Ms.Adela ang hawak nyang libro sa lamesa na nasa tapat n'ya.

Dali dali namang nag sibalikan sa kanya kanyang upuan ang mga Classmate ko. Tumayo naman ako at yumuko. "Good Morning Ms.Adela" Bati ko. Yumuko din ang lahat nung yumuko ako, as a sign of respect.

Ganito ang magiging Routine namin sa tuwing may pumapasok na Teacher sa Classroom namin. As a president in our room, Ako lagi ang nag lelead para sa Greetings. Hays

"President Duties" Mapag asar na sabi ni Eli. Kaya pasimple ko syang kinurot ko sa braso.

Ngumiti at Tumango naman si Ms. Adella sa akin kaya Umupo na ako.

"Anyways, I have a good news for all of you guys, Diba I already told you na gumagawa ako nang apps? So I decided na gumawa para sa inyo for school purposes, this is a Mobile apps dito nyo ipapasa yung projects nyo, assignments nyo or what, Dahil dito nyo makukuha yung mga assignment na ibibigay ko, and also para walang delay na mang yayari and i already talk the head about this at na approved na s'ya" Nakangiting announce ni Ms. Adella, halata sa muka n'ya ang excitement.

Kanyang kanya namang reaction ang mga Classmates ko, pero halos lahat excited. Pati rin naman ako eh.

Napatingin naman ako kay Kenzo na nakasubsob ang muka sa table nya, halatang puyat at pagod.

"Sus, 'di raw gusto pero sinusulyapan" pabulong na asar ni Keona sa likuran ko, patago ko naman pinakita sa kanya yung middle finger ko kaya naman napatawa s'ya nang mahina.

"So okay class, ibibigay ko sa Class president yung Apps para maipasa sa inyo, dapat lahat kayo meron ah di pwedeng wala kasi ibabagsak ko" Sabi ni Ms.Adella, Tumingin naman s'ya sa akin at nag gesture na lumapit ako sa kanya.

Tumayo naman ako at lumapit sa kanya

"Open your share it ipapasa ko sayo yung Mobile apps at dapat maipasa mo sa kanilang lahat ah, understand?" bilin sa akin ni Ms.Adella kaya tumango naman ako.

Nang matapos nang Ipasa sa akin ay isa isa ko namang ipinapasa sa mga classmate ko. Syempre inuna ko sila Eli at Keona, after nun nag tulong tulong na kami para maipasa na sa iba.

"Si Kenzo pa ata, wala pa" bulong sa akin ni Eli kaya tinitigan ko s'ya nang masama. Nag peace sign lang ang gaga habang pinapasa n'ya sa iba yung Apps.

I sighed at lumapit kay Kenzo, kinalabit ko s'ya kaya napatingin s'ya sa akin.

"What?" medyong husky yung boses n'ya kasi kagigising n'ya lang.

"Phone mo, ipapasa ko sayo yung App"

Inabot naman n'ya sa akin yung phone n'ya at sumubsob ulit sa table n'ya, Nung binuksan ko yung phone n'ya ay napakunot yung noo ko kasi may password. Kaya i have no choice kundi kalabitin ulit s'ya.

Mortem (Mobile App)Where stories live. Discover now