Chapter 3

22 7 0
                                        

#UYLChapter3

**

"Bwiset!"

Napabalikwas ako sa kama ko dahil anong oras na pala. Malalate na ko sa Advanced Accounting class ko. Paano ba naman kasi, anong oras na ko nakauwi kagabi dahil marami pa akong sinort out na files ni Human.

Three weeks in pa lang ako sa internship, it felt so much like hell na, and I still have three months left as an intern! Grabe, it's taking a toll on me.

Paano ba naman kasi, sa una pa lang, ang taas na ng expectation sakin ni Hugh. He already thinks I know everything about the corporate and doesn't want any flaw from his day to day tasks. Nakakatakot na everytime na may gagawin ako, para siyang bisor na pinopoint out agad ang mga pagkakamali ko. Like, hello?! Once in his life ba, hindi siya nagkamali? I know it's usual for your mentor to tell you what's right and what's wrong, pero naiinis pa rin ako dahil kinacareer niya ang pagiging bossy niya sa'kin at isa pa kahit anong gawin ko ay hindi ko maabot ang standards niyang pagkataas taas. It doesn't even seem like he appreciates my efforts! I think he only gets happy when he achieves perfection, and that's the thing, there's no such thing as perfection. Kaya naman he's rarely happy.

Tapos eto pa, ang tawag niya na sa'kin ay Blondie. Akala mo naman close kami kung makaisip ng itatawag niya sa'kin kapag kaming dalawa lang. Pero hindi in a nice or friendly manner ang tawag niya sa'kin na yan. He was never even friendly with me kasi una pa lang sinabi na niya that we're only here to do business. There's a meaning behind the name. Although blondes are known to be more desirable, they're stereotyped as less intelligents, hence the words "dumb blonde". It just clearly means that he's insulting me. It doesn't take a rocket scientist to know that. It's a way to provoke me, and it works most of the time.

Nalaman niya na rin kasi yung pattern ng behavior ko. Kapag hindi ko na magawang ngumiti sa kaniya, ibig sabihin sinusumpong na ako.

As time goes by, he's really starting to get on my nerves. Kung spoiled brat lang ako, isinumbong ko na siya kay Daddy. At dahil hindi, I won't do that. I'm an independent woman, at gusto kong malaman niya may mapapatunayan ako without having a privilege.

Paghihirapan ko ang trabaho ko at makikita niya na I deserve the Executive position. At kapag ako na ang CEO ng TCorp, humanda siya sa'kin dahil magiging mataas na ang posisyon ko sa kaniya at ako na ang magiging boss niya. Kaya hinahayaan ko na lang na sulitin niya ang mga nalalabing araw na ginaganito niya ko, because I'll get my revenge, haha!

Ayan tuloy, dahil sa sobrang busy ko na sa internship at studies, wala na akong oras para makipagbonding sa mga beloved friends ko tapos hindi na rin ako nakakapunta ng club.

Pero finally, weekend na. Off ko sa TCorp at tatlo lang ang klase ko ngayong araw. Sa wakas, makakaparty party rin ako. I deserve to drink and have fun!

All throughout the day, everything went pretty normal. Kahit na my ex still texts me every now and then. Yes, kinukulit niya pa rin ako. Ewan ko ba 'don, baliw na baliw sa'kin.

If you're curious about my dakilang ex, eto ikukuwento ko ng onti ang tungkol sa kaniya at sa'min. Rennon Rock was actually my first boyfriend. Sa totoo niyan, he was my first everything. Napakagentleman niya nung times na nililigawan niya ko at nung bago bago pa lang ang relationship namin. Sa paningin ko, he showed that he's worthy of my love naman. Kaya it was so difficult for me to let go of our relationship. Tumagal rin kami ng almost three years.

But everything went downhill simula nung naging college na kami. He cheated on me and syempre I couldn't believe it. Ako naman 'tong si uto uto, I still hoped na maaayos pa ang relasyon namin. Kaso nabahiran na, kaya unti unti akong nawalan ng gana. Kaya lang, nauto niya ulit ako, then we started to become fubus. Like me, hindi lang naman ako ang ka-hook up niya. Pero pag kailangan niya ng sudden company, I was always to the rescue to ease his desires. It's been our routine, we became each other's past time.

Under Your LoveWhere stories live. Discover now