Chapter 1: Entrance Exam

37 5 0
                                    

Nagising ako ng makaramdam ng mahinang pagyugyog sa aking balikat.

"Ms. Krizelle, andito na po tayo sa Academy. Please follow me."

Lumabas ako at bumungad sa akin ang dalawang napakalaking gintong gate. Sa taas nito na nakasulat in Italic.

Decagon High: School for the Gifted and the Misfits

For a school, ang weird naman ng pangalan. Parang isang compliment at insulto.

"We will be going there by foot ,Ms. Bawal nang pumasok ang mga sasakyan."

Tumango ako at sumunod sa kanya. Di ko maiwasang mamangha sa aking mga nakikita. Para kang nasa isang mala-Fairytale na movie. Nakapalibot ang iba't ibang bulaklak at halaman na nagigitnaan ng isang fountain, flowing with golden water. A small bungalow was seen in front of it. Umunang pumasok si Mr. Hiro habang sumunod naman ako sa kanya.

"Ito pala ang Entrance Examination Hall for freshmens like you. Kakatapos pa lang magtake ng examination ang last batch ng mga new comers kanina kaya di na ito masyadong crowded ngayon. Since kakastart palang ng bagong semester you aren't the only new face."

"Nasaan nga po pala ang Academy Mr. Hiro?"

"You'll get there once matapos mo ito. That's where you'll be oriented." sabi nito sa akin habang nakangiti. "Ready ka na ba, Ms. Vermillion?"

"Yeah. Saan po pala magtatake?"

"You're already taking it, Ms."

"What do you--" Malapit na akong makasigaw ng biglang lumiwanag ang sahig at bigla akong nahulog sa aking kinaroroonan. Nakita ko nalang ang aking sarili na nakupo sa isang kuwarto na kulay puti. Isang malapad na black board ang makikita sa gitna na nakasulat ng:

YOU HAVE 30 MINS. TO SOLVE. YOU MAY START NOW.

Tiningnan ko agad ang papel na nasa desk at di maiwasang mapressure. Binasa ko ang mga tanong at mahinang napangisi. Tss...Easy. Agad kong kinuha ang ballpen at sinagutan ko agad ang mga tanong. Inilagay ko muli ang aking ballpen sa harapan, letting them know that I have already finished it.

Huh...I still have 15 minutes to spare.

Lumiwanag bigla ang kuwarto and this time nakatayo na ako sa isang gym. Tiningnan ko muli ang suot ko at nakitang nakasuot ng jogging pants at sports bra. Kesa black board ay isang holographic message ang nasa harap.

CHOOSE YOUR WEAPON. YOU HAVE 45 MIN. TO HIT THE OPPOSING TARGET. ONCE YOU GET HIT, YOU ARE OUT. ENTER THE ROOM ONCE YOU ARE READY.

Pumunta ako sa harap at pumili sa aking puwedeng gamitin.
Ito ang mga available na weapons:
•Bow and Arrow
Advantage: Can kill targets from a higher or farther distance.
Disadvantage: Ilang shots muna bago maknoknockout ang target.
•Sword and Shield
Advantage: I can cut there heads off.
Disadvantage: Too bloody, too heavy at kailangan ko pang hanapin ang aking makalaban.
•Gun
Advantage: Instantly kills your target.
Disadvantage: Too noisy. Masyadong maliit at enclosed ang space.
•Whip
Advantage: Torture Weapon :>
Disadvantage: I still need to be at the target's reach.

I knew how to use these kaso kailangan kong magmadali. Kaya pinili ko ang bow and arrow, one of my favorite weapons.

I entered the simulation room. I was surrounded by a forest-like virtual reality and it was a beautiful and serene thing I have ever seen. Remembering why I got here, I began climbing the tallest tree I had to find. The higher you are, the easier it is to spot your targets. And I was right. Five men painted in red were searching for me. They were spreaded out going to different directions. Kinuha ko ang palaso at sinigurado ko muna na pupunta siya sa pwesto kung saan na gusto ko itong matamaan. Binitawan ko ito at natamaan. Nag-fade ang lalaki hanggang sa mawala na ito sa aking paningin. A hologram too.Iniulit ko ito sa iba pang mga natitirang lalaki hanggang sa naubos ang mga ito.

Lumiwanag muli ang kuwarto at napansin ko ang isang familiar na lugar ang muling bumungad sa akin. I was in Sarsota. I was at home once again. Nakaramdam ko na oarang may bagay ako na hinahawakan. Tiningnan ko ito at 'di maiwasang magtaka. It was a dagger. Maliit ito na puwedeng itago sa loob ng aking makeshift pocket. Ano kaya ang papagawin sa akin? Lumabas ako sa kuwarto at bumaba sa aming maliit na hagdan. Pumunta agad ako sa kusina at umaasang nandoon si Mama, na nakakatalikod habang nagluluto at kumakanta sa kantang ginawa sa kanya ni Papa. Pero kaysa iyon ang aking makita, nakita ko ang dalawang taong nag-uusap habang nakaupo sa mesa. Tumingin bigla sa aking harapan si Mama at huminto sa pagsalita. Nakangiti ito sa akin.

Bigla akong nanginig ng tumingin sa akin ang lalaking kausap niya kanina. Gusto kong umiyak bigla. Tumakbo agad ako sa kanyang direction at yinakap siya ng mahigpit.

"O anak, ba't ka biglang umiiyak? Ayos ka lang ba?"

Ngumiti ako. Isang mapait na ngiti. Alam ko ang gagawin ko ngayon. Alam ko kung ano ang gagawin ng malademonyong Acadmy na ito.

"Wala lang po to, Dad. Masaya lang po ako na nadito ka."

"Anong ibig mo sabihin anak? Eh, saan naman ako pupunta. Lalayo ba ako sa mga taong nagpapasaya sa akin?"

"Dad...corni mo naman, hahahah." Para akong baliw na umiiyak habang tumatawa. Binatukan ako nito at umupo nalang sa tabi niya. "Dad, naman di mabiro." Nagpout ako sa harapan nito. Pa cute amp.

"Oh, tama na iyan. Ano ba itong mag-ama ko. O siya, kain na tayo. Pinagluto ko pala ang paborito ninyong Chicken Afritada."
Binitawan ko si Mama ng isang malapad na ngiti.

Pilit kong kinalimutan ang Examination habang hinahanda ni Mama ang kanyang niluluto. Isang temporaryong paraiso. Isang pilit na kasiyahan na malabo namang mangyayari sa totoong buhay.

Natapos ang aming pagkain na may halong tawanan at mga kuwentong nakakatanga. Tumayo si Mama sa kanyang upuan at nagsimulang ligpitin ang aming hapag-kainan.

Tumayo rin si Papa at hinawakan ako mula sa balikat. Dinala niya ako patungo sa labas ng aming bahay. Muli kaming umupo sa aming veranda.

"Anak, kung mawawala ba ako...mamimiss mo ba ako?"

"Ano bang klaseng tanong iyan dad? Of course. Mawawala na ang mga corni jokes." sabi ko, trying to make it light-hearted.

Nakita kong sumeryoso ang mukha ni Dad at biglang bumigat ang tensyon ng atmosphere.

"Maraming mga kaaway ang Daddy mo. Mga taong may masasamang intensyon sa atin."

"Dad, naman. Huwag ka pong magsalita ng ganyan." di ko maiwasang umiyak sapagkat alam ko naman talaga ang susunod na mangyayari.

"Anak, halika ka nga dito." dahan-dahan akong pumunta sa kanya habang kinakapa ang aking bulsa. "Anak, magpapkatatag ka ha? Alam na alam natin na you are stronger than you think you are. But being strong doesn't mean you can't be weak. I may not be here to protect you and your mom but I will always be here in your heart. I want to see my girl grow up and be a beautiful and independent woman but alas, wala na ako dito. Always remember what I thought you."

"Yes Dad, I will." Pinahid ko ang mga luhang kanina ko pang gustong pigilan. Tumayo si Daddy at pumunta siya sa harapan ng aming bahay.

Now is my...chance. Dahan-dahan kong linapitan si Papa habang pinipigilan ang sarili sa paghahagulgol. I don't want to do this but I should.

"Nga pala may--"

Sinaksak ko ang dibdib ni Papa sa malalim na kutsyilyo na kanina ko pang tinatago sa aking bulsa. Nakita ko ang expression ni Papa. Isang expression na may halong Galit at Pagkalito. Na parang ang taong kanyang pinagkakatiwalaan ay siyang nagtraydor sa kanya. Biglang lumabo ang aking paningin at ang tanging nakikita ko ay ang nakahigang bangkay ng aking ama sa aking harapan.

Dumilim ang aking paningin at di ko namalayan na nahulog na rin pala ako sa tabi niya.

-----
A/N P: I hope you enjoyed Chapter 1. So what do you think of our first chapter? Free to comment down below.

DECAGON HIGH: School for The Gifted and The MisfitsWhere stories live. Discover now