Chapter 4: Friends or Enemies?

40 6 0
                                    

Nandito pa rin ako ngayon sa tapat ng pintuan ng headmistress. Kakatapos lng rin ng orientation.

Agad ko namang naisip ang lalaki kanina, Di ko maiwasang magalit buyset! May pa honey honey ka pang nalalaman! Honey mo mukha mo

Teka, Nasaan na nga pala si Nia?

Linibot ko ang aking paningin mula sa malalaking hallways ng Academy, Di ko parin maiwasang mamangha.

"wow" bulong ko sa sarili ko

Bigla akong napahinto ng naisip ko na hindi ko pala alam kung saan ako pupunta. Nasaan ba ang mga dormitory dito? Napabuntong hininga nalang ako at tiningnan muli ang pinto ng headmistress. Nakakahiya naman kung bumalik ako sa office niya. Bakit ba niya akong pina-walkout alam naman niya na may tatanungin pa ako?! Nasaan na rin kaya si Mr. Hiro. Nandiyan daw yata sa kanya ang school map. Tsk, ang malas mo naman talaga.

Saan kaya ako pupunta? Left or Right? Uhm...

Napag desisyonan kong pumunta sa kanan, Baka maswertehan akong makita si Nia. Sa pagliko ko sa gilid ay mas lalong dumami ang mga daanan. Napansin kong masmalaki ito kaysa sa halls na nadaanan ko kanina. Ilang pahagdan na papunta sa baba at sa itaas ang bumungad sa akin. Makikita sa gitna ang isang malaking crystal chandelier. Ng tiningnan ko sa baba ay ilang metro rin ako noon sa aking kinaroroonan. Binalik ko ang aking tingin sa daan na aking tinuhunan. Masdumami yata ang mga corridors dito. Parang nasa maze ako. Kulang na lang my minotaur nang dadating. Bumalik nalang ako malapit sa mga riles na nagpapalibot ng 'Great Hall'

"Uhm...Miss"

Agad na naagaw ang aking atensyon sa isang hindi pamilyar na boses. Teka, may tao pala dito?

Lumiko ako sa aking kinaroroonan.. Isang Mataas na lalaki ang agad na bumati sa aking mga mata, brownish almost blond hair covering half of his face. I even caught a glimpse of his hazel brown eyes. He was also wearing a uniform but his band was different, it was a Clover with a crown on top.

Hmm...pero in fairnes ah may itsura.Gwapo Ah

"Stop staring. It's rude." bigla niyang sabi sa akin.agad naman akong napatingin sa kanya

Teka nasobrahan yata ako sa tulog kanina baka nananaginip lang ako

Baka naman hindi ako yung kausap.

Binalot kami ng kaunting katahimikan tiningnan ko lang ang mukhang yang kanina pang nagtataka.

Ako ba talaga ang kausap niya? Saan ba kasi siya nakatingin. Agad ko napansin ang kanyang buhok na halos takpan ang kanyang mga mata. Nakakakita pa ba sya niyan?

Napansin ko ring kanina pa ito nakatingin saakin na tila ba'y naghihintay ng sagot, Linibot ko ang aking paningin upang masigurado kung may ibang tao paba dito.

Huh, wala naman.

Muli kong ibinalik ang aking atensyon nang makita ang naka kunot na noo neto'h.

"Ako ba kausap mo?" Ayun ding! tanga ka talaga krizella ayan, nakita mo naman na kayo lang naman na dalawa nandito yan pa talaga ang tanong mo.

"Nag aral ka ba? Or sadyang tanga ka lang talaga."

Aba grabe ang sakit makapagsalita, naaalala ko tuloy bwisit na lalaki kanina.

Ano nga ba ulit pangalan nun? Flynn? Fiona? Fox?

"If you don't mind, umalis ka nga diyan sa daanan. Para kang tanga na nakatunganga. Is this your first time in an elites school? Or are you just a pathetic lowlife of a peasant?"

"Wala ka na ba talagang balak umalis diyan?"

Agad ko naman siyang tiningnan ng masama. Di uso bait sayo boi?

DECAGON HIGH: School for The Gifted and The MisfitsWhere stories live. Discover now