Chapter 8: The Man In A Cloak

4 1 0
                                    

Natapos ang period pero 'di ko pa rin maiwasan ang pangamba. Ewan ko nga kung bakit. Baka dahil na rin iyon sa History lesson namin at kung paano si Ms. Samantha makatitig akin. Since last period na, ay kanya-kanyang bumalik ang mga estudyante sa kani-kanilang nga territoryo. Sinamahan ako ni Nia papunta sa territoryo ng mga Diyamante bago ito nagpaalam sa akin.

Tinitigan ko muna ito bago siyang tuluyang umalis sa aking harapan. Nang okay na ang lahat ay muli kong tinungo ang daan papunta sa Academy. Hindi ko makakalimutan, May kailangang pa akong gawin.

----
Ilang oras rin ang lumipas bago ko makita ang school library. Masyadong malaki ang Academy kaya't nahirapan pa akong hanapin ito. Sana nga't sinama ko si Nia o si Sir Hiro pero parang ang dami pang pabor ang naibigay ko. Ayaw ko nga rin namang maging pabigat.

Pumasok ako sa loob at napansin ko ang isang maliit na babae na nakaupo sa likod ng front desk. Para siyang bata habang hinahawak niya ang malaking libro na tinatahuban ang kanyang mukha.

"Alam ko kung ano ang iniisip mo kaya't huwag ka nang tumingin at hanapin mo ang gusto mong basahin."

Bigla akong nangilabot ng narinig ko ang kanyang boses. Humingi ako ng paumanhin  at napansin ko naman ang badge sa kanyang kaliwang balikat. Isa siyang Clover, kaya pala.

Umalis na ako sa kanyang harapan at pumunta sa mga archives. Hinanap ko ang album ng mga past graduates bago ko makita ang isang maroon na libro.

Binuksan ko ito at hinanap ang pangalang, Emilia Louise Dimitri. Iniscan ito pero wala akong nakitang pangalan. Naghanap muli ako ng iba pang libro. Wala siya doon. Isisira ko na sana ang libro ng makita ko ang isang page na may butas na picture. Nakalagay sa baba ang pangalang Georgina Dimitri. Ang binanggit na pangalan ni Ms. Samantha kanina.

Yun nga ang nakakabahala, eh. Sino ba siya? Kaano ba niya si Mama? Nagkataon lang ba na magkaparehas ang kanilang panghuling pangalan?

Sinara ko ang libro at ibinalik ko ito sa shelf. Muli akong naglakad at pumunta sa History section. Sinearch ko muli ang pangalang Dimitri.

Ayon raw sa libro, mayroong apat na anak ang apo ni Zach, na nangangalang Landon. Sa maagang edad ay siya ang naging sunod na tagapagmana ng nawala ang kanyang ama na si Victor. Nangangalang Thomas, Da Vinci, Georgina, at Emilia. Dalawang babae at dalawang lalaki. Binasa ko pa ang libro ng bigla kong nakita ang nakalagay sa huling pangungusap ng pahina. Ilang taon bago ang digmaan ay namatay si Emilia Louise Dimitri. Iyon rin ang panahon kung saan biglang nawala ang kanyang kapatid na si Georgina. Malapit ko nang mabitawan ang libro dahil sa aking nabasa. Agad ko namang binalik ang libro sa shelf at agad-agad na lumabas sa library. Napansin kong napatitig sa akin ang librarian bago binalik ang kanyang tingin sa kanyang libro.

Bago ako nakalabas ay hindi ko maiwasang marinig ang kanyang huling sinabi niya.

"Some things are meant to be a secret. Its not always easy to face the truth."

----

Tinahak ko muli ang daan papunta sa territoryo ng mga diyamante. Palubog na ang araw ng napansin ko ang isang taong nakatago sa likod ng malaking puno ng Narra. Hindi ko ito pinansin at pinatuloy ang paglalakad

Ang dami ko pa ring iniisip. Masdumami iyon ng nabasa ko ang libro kanina. Pati na rin ang sinabi ni Ms. Samantha. Ang kanyang mga titig na parang nagsasabi na naging pamilya ako ng isang traydor. Ang mga taong nagsimula ng war, ang Vermillion. Di pa rin ako makapaniwala ng nalaman ko na isa ang mga Dimitri sa makapangyarihang pamilya na Balbadon. Bakit hindi ito sinabi ni Mama? At...sino ba talaga siya? Ngayon na alam ko na konektado talaga siya sa mga Dimitri, pero bakit nakalagay sa records na patay na raw ito? Napabuntong hininga nalang ako at sinipa ang maliit na bato sa aking gilid. Huminto ako sa paglalakad at muling itinanaw ang langit.

DECAGON HIGH: School for The Gifted and The MisfitsWhere stories live. Discover now