Chapter 2

576 40 2
                                    


GRAY'S POV

"Hoyy"

Isang babae ang bumungad sa amin at dumeretso siya sa babaeng kaharap ko ngayon.

"Are you okay?" tanong niya dun sa babaeng ka harap ko, tumango lang ito sa kaniya.

Aba, ang lakas naman ng loob nito para makialam.

Bumaling siya sa akin at tinignan ako nang masama, yun bang nakamamatay na titig. Kung nakakamatay siguro ang titig nayun malamang patay na ako. Syempre di ako mag papatalo nu, tinignan ko rin siya ng masama hanggang sa ako rin ang unang bumigay.

Shit those stares!

"Ano bang pumasok sa isip mo at nagawa mong patulan ang isang babae?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, what da hell? How dare her talk to me like that?

"Ano bang pake mo, ha?" mas lalo ata akong nainis dahil dito sa sinabi ng babaeng to.

"Bakla kaba?"

"What?!"

"Bakla kaba?" aba'y inulit pa talaga ha.

"Ang kapal naman mg mukha mong tawagin akong bakla?! Sa gwapo kong to, mapagkakamalan mong bakla?!"

"Malay ko ba kung di ka bakla, kung umasta ka para kang babae. Pumatol ka pa talaga"

Aba'y tibay ng babaeng to ah!

"Kasalanan niya yun! Siya tong ta-tanga tanga!"

"Kaya nga nag sorry diba? Ilang beses ba dapat mag sorry?" walang emosyong sabi niya.

"Sorry can't change the fact that she ruined my uniform!"

"Edi mag palit ka, ang dali dali lang gawin nun"

"Aba! Ang tapang mo ah?! Kilala mo ba kung sino ako ha?! Gusto mo bang burahin ko din ang pangalan mo sa listahan ng mga estudyante?!" sigaw ko sa kaniya ngunit di siya natinag sa sigaw ko.

"Eh kung ikaw kaya ang burahin ko sa mundo?" kalmadong tanong niya na ikinagulat ko.

What the hell?!

Ni isa sa amin ay hindi nag salita pero nag tititigan kami na parang kulang nalang ay mag patayan na, feeling ko tuloy parang may kuryenteng nag-aaway sa pagitan namin. Maya maya pa ay umingay ang mga estudyante na nag bubulungan.

"My god! Who is she?!"

"How dare her talk to Grayson like that?!"

"OMG! I can't believe she did that!"

"Yeah! Base on her clothes she looks like she's a transferee"

"I know right?! Her clothes looks so cheap, kadiri! Wala siyang taste sa fashion! Ang baduy!"

Tinignan ko ang kabuuan niya at napansing transferee nga talaga siya dahil hindi siya naka uniform.

Unexpectedly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon