GRAY'S POVNatapos na ang unang araw ng klase at wala na akong narinig ni isang galaw dun sa manang manamit na yun.
"Dre, una na kami"
"Sige"
Nauna nang umalis sina Alex at Matt, sasakay na sana ako sa kotse ko nang makita ko si manang at ang kaibigan niya.
Nag momotor siya samantalang yung kaibigan niya naka kotse, gold digger ata tong babaeng to.
Nang makarating na ako ng bahay agad na bumungad sa akin si Nana
"Nana, bakit nasa labas po kayo?" tanong ko habang nag mamano sa kaniya.
"Pagpalain ka ng diyos. Eh, hinihintay kasi kita eh"
"Bakit naman po?"
Di na siya sumagot pa at tumuloy kami sa loob ng bahay na mukhang mansion na rin. Pag pasok namin andoon sina Noona, si Ashton na boyfriend niya at sina mommy at daddy. Umupo ako sa bakanteng upuan at isa-isa silang tinignan.
"Anong meron?" tanong ko pero walang sumagot.
"Andito na ang lahat kaya puwede na tayong magsimula" pagsisimula ni Daddy.
"Bakit anong gagawin?" wala paring sumagot.
"May sasabihin daw ang Noona mo sa atin kaya nagtipon tayo dito, ikaw nalang ang hinihintay namin at buti dumating kana" sagot ni mommy sa akin, tumango lang ako bilang sagot.
"Mommy, Daddy, Dongsaeng, Nana...." pagsisimula ni ate na mukhang kinakabahan.
Nagtinginan muna sila ni Ashton bago sabay na nag salita.
"We're getting married"Tumahimik bigla ang paligid at wala ni isa sa amin ang nag salita nang biglang tumayo si mommy at niyakap si Noona.
"OH MY GOD! That's a great news baby! I'm so happy for you, don't worry we will support the both of you. Am i right, Anthony?"
"Oo naman, alam naba nang mga magulang mo Ashton?" tanong ni daddy kay Ashton.
"Opo tito, sa susunod na araw po ay uuwi sila chairman at mommy para sa pamamanhikan"
"Mabuti naman. Simula ngayon wag mo na akong tawaging tito, Daddy nalang"
"Opo d-daddy" nahihiyang sagot ni Ashton.
"Congrats bro" pagbabati ko sa kanya habang ginagawa namin ang bro handshake.
"Thank you Gray"
2 years na sina Noona at Ashton, at talaga namang sinusuportahan sila ng kani kanilang pamilya. Ashton Cole Alcantara ang totoong pangalan ni Ashton, sila ang pinakamayamang pamilya sa buong Luzon. Sila ang may-ari ng AUS, ang kuwento sa akin ni Ashton ay ang totoong may-ari daw talaga ng AUS ay yung nakababata niyang kapatid.
Matapos kong mag shower ay dumeretso na ako sa kama at nahiga, maya maya pa ay pumasok sa isip ko si manang.
Buti at di ka gumanti sa akin, dahil kung hindi malilintikan ka talaga sa akin.
KINAUMAGAHAN ay maaga akong gumising at umalis na ng bahay. Pag ka park ko ng sasakyan ay dumating si manang at ang kaibigan niya. Tinignan niya ako ngunit umalis rin agad na parang hindi ako nakita.
Ha!
"Dre!" tawag ni Alex at Matt.
"Tara na sa loob" yaya ni Matt.
Natapos ang klase at dumeretso kami sa cafeteria. As usaually umingay bigla nung dumating kami, lahat sila ay tumabi upang maka daan kami. Nang maka upo kami sa spot ay nahagip ng mata ko yung grupo ni Manang. Mga ilang minuto rin ay bumalik na kami para sa panibagong subject.
Natapos na ang klase at wala akong natanggap na ganti dun sa manang na yun. Inilibot ko ang paningin ko nang hindi ko siya nakita sa classroom.
Mukhang nauna na, ganyan nga matakot ka dahil mali ang binaga mong tao.
Pero dun ako nag kamali dahil palabas na kami sa pinto ng bigla akong mapatid at mahiga sa sahig. Tinignan ko kung sino ang pumatid sa akin at walang iba kundi si manang.
"Opps, sorry. Di ko na kita na dumaan ka pala, nag stretching kasi ako" panggagaya niya sa sinabi ko kahapon.
Wat da heck?!
Bigla nalang siya umalis at iniwan akong naka higa, sumunod naman yung mga kaibigan niya.
"Grabe! Ibang klase yun pre ah"
Tinignan ko yung mga estudyanteng naka palibot sa akin at sinigawan.
"Oh, ano pang tinitingin niyo diyan?! Tapos na ang palabas o baka naman pati kayo isa isahin kong ring patirin?!"
Dali dali silang umalis at nag si takbuhan.
Interesting tong babaeng to ah, humanda ka sakin. Matitikman mo ang higanti nang isang Grayson Lee Montecillo.
**************
Short Chapter!
Ilang days walang update
HEHEHEHStay tune sa next chapter😘😘