Hiiiii!!
Hope you guys enjoy the story don't forget to vote and comment💖💖This will be my first ever story to make. So, I hope you guys support this story
Thank Youu!!❤️❤️
ENJOY READING!!☺️😉(Edited)
GRAY'S POV
~ KRING KRING KRING KRING KRING KRING KRING KRING ~
"Good morning handsome!" bati ko sa sarili habang naka tingin sa malaking salamin ng aking kuwarto. Bumangon ako at agad na niligpit ang aking hinigaan at dali daling dumeretso sa banyo para maligo, at hindi nag tagal ay lumabas din ako at nag bihis sa aking uniporme. Ngayon kasi ang unang araw ng klase kaya hindi ako dapat na ma late. Bumaba ako papuntang sala at natanaw ko ang aking napaka ganda at napaka sungit kong Noona.
Translation = Noona means *ate* in korean
"Good morning Dongsaeng" bati ni Noona nang hindi man lang ako tinitignan.
Translation = Dongsaeng means *little brother* in korean
Tch, kahit kailan masungit talaga!
"Good moring din Noona" bati ko habang papalapit sa kaniya.
"Bilisan mo diyan at tara na sa dining area para maka kakain na tayo. Baka ma late ka pa, unang araw nang klase mala-late ka"
"That will never happen Noona, ako pa? Tsaka kailan ba ako naging late?"
"Whatever" sabi niya at agad akong tinalikuran.
Sabay kaming pumunta ni Noona sa dining area at nang makalapit kami ay na abutan namin si mommy na nag hahanda ng pagkain habang si daddy naman ay naka upo at nag hihintay sa amin.
"Good morning mommy, daddy" sabay bati namin ni Noona sa magulang.
"Good morning din mga anak" sabay din nilang bati.
"Grayson, Gracylline maupo na kayo at kakain na tayo. Baka ma late kayo sa unang pasukan ninyo" sabay kaming tumango ni Noona at naupo sa kanya kanyang puwesto.
Nag simula na kaming kumain at maya maya pa ay tinawag ako ni mommy.
"Gray?" napapalunok akong tumingin sa kanya dahil alam ko na kung ano ang sasabihin niya.
"Yes mom?"
"Yung promise mo ha?" napalunok ako muli sa sinabi ni mommy.
"Yes mom, I promise" sabi ko habang tatango tango na may kasamang pilit na ngiti.
"Good, ayaw ko na nang may makarating sa amin at nag rereklamo na binubully mo na naman, okay?"
"Oo nga anak" pagsang-ayon ni daddy sa sinabi ni mommy.
"Yes mommy, daddy" napapayuko kong sagot.
"Tss, baka nga hindi pa nag sisimula ang klase eh may mag reklamo na kay lolo" sabi ni Noona habang na sa akin ang kanyang tingin, tinignan ko siya nang masama.