Chapter 5

488 31 2
                                    


ASHLEY'S POV
Wednesday

Nagising ako sa lakas ng katok sa aking pintuan at alam ko na kung sino ito.

"Ito na babangon na"

"Bilisan mo baka malate na talaga tayo nito!" sigaw ni Mal sa labas>

Bumabaa na ako at uminom ng kape at kumain ng tinapay saka kami umalis ni Mal.

Di nag tagal nakarating din kami sa AUS, pag pasok namin sa loob malamang maraming naka tingin sa akin lalo na yung mga babae, kung nakakapatay lang talaga ang mga titig nila siguro kanina pa ako patay di pa ako naka pasok sa loob ng main door.

Pagkadating namin sa classroom agad na pumunta sa amin sila Kat.

"Uyy nakita niyo na ba ang news?" tanong agad ni Jay pag lapit nila.

"Anong news?" nagtatakang tanong ni Mal.

Saka inabot ni Kat ang kanyang Iphone sa amin, syempre si Mal ang kumuha.

"OMG! What the hell?" sigaw ni Mal.

Ng ipinakita ni Mal sa akin ang kanyang nakita, halos muntik ko na matapon ang cellphone ni Kat pero pinigilan ko wala akong pambayad sa phone na yun, nahirapan na nga akong humanap ng pambayad sa mamahaling tuition dito sa school, dadagdagan ko pa babayarin ko.

Sino ba naman ang hindi magagalit kung nakita mo sarili mo sa video na mukhang ewan, andun din yung nangyari kahapon sa canteen, tapos kung ano pang nakalagay doon na dini-describe ako, like b*tch, attention seeker, manang at kung ano pa tapos pinost sa facebook kung saan makikita ng lahat.

Pero as usual hindi ako nagpakita ng kahit anong interest or kahit anong emotion, chill lang yung walang pakialam sa mga nangyayari.

"Sino gumawa nito?!" Galit na tanong ni Mal sa kanila.

"Yun nga eh, mukhang mag kakaroon talaga ng World War lll dito sa school" sabi ni Jay na mukhang nag aalangan sabihin kung sino ang gumawa ng video.

"Sino nga?" kalmado kung sagot.

Walang sumagot, malamang sino ang hindi ma bibigla na ang taong di nag sasalita simula nung klase eh ngayon lang nag salita.

Nung walang sumagot tinignan ko si Kat dahil alam kong siya rin talaga ang mag sasabi kung sino.

"U-uhm.... Si ano.... S-si——" na uutal na sagot ni Kat na pinutulan naman ni Mal.

"Sino nga!?"

"Si Grayson" sagot ko.

Siya lang naman ang nakainitan ko sa school eh, except nalang dun sa babaeng naka bangga ko kahapon sa canteen.

Nang dumating na ang lunch, alam kong may hindi magandang mangyayari nanaman sa akin sa canteen. At hindi nga ako nag kamali dahil pagdating na pagdating ko, ay may pumatid sa akin dahilan ng pagka tumba ko sa sahig, at lahat ng tao sa canteen ay nagtawanan maliban kila Mal, Kat, Jay, Eva at Justiine.

Tumayo ako at di sila pinansin, pagkaupo namin sa table dun naman dumating ang hari ng kadiliman at ang kanyang mga alagad. Mukhang may hinahanap siya at nang makiita niya ako agad siya nag smirk, na akala mo ikapgi niya. Mas lalo siyang naging  demonyo sa ngiti niya.

Tinignan ko lang siya na parang walang pake at tumuloy sa pagkain.

KINA-UMAGAHAN

"Ash, tumawag sila mommy sa akin kanina. Bibisita raw sila dito at tignan ang tinitirahan ko" sabi ni Mal.

Alam ko na ang sasabihin niya, lilipat muna siya sa isang eleganteng apartment, ayaw kasi ng magulang ni Mal saakin dahil akala nila pera lang ang habol ko sa kanya. Minsan na nga nila ako pinagsabihan na lumayo sa anak nila pero lumalayo naman ako, anak lang talaga nila ang dumidikit sa akin.

"Okay lang Mal naintindihan ko"

"Pasensya na talaga Ash, di ko kasi sinabi sa kanila na magkasama tayo. Alam mo naman pag nalaman nila na mag kasama tayo sa iisang bahay lalo na't medyo maliit at marumi yung tinutuluyan natin" ngumiti lang ako sa kanya at nag pa alam sa isa't-isa, magkaiba kasi kami ng subject ngayon.

Habang nag lalakad ako may naka bangga akong isang tao.

"Oh my, I am so sorry. I wasn't looking on my way" pagpapaumanhin nito.

"It's okay" sagot ko.

Nang makita ko siya agad na nag laki ang mga mata ko. Pano ba naman yan kung naka bangga mo yung sikat, gwapo at mayaman na si Ashton Cole Alcantara.

"Dito ka ba nag aaral?" Tanong niya  sa akin. Tumango lang ako.

"I see, do you know where is the office of the Dean?"

"I'm sorry but no, I'm a new student here kaya hindi pa ako masyadong familiarize sa school"

"Ohh, okay thank you" sabi niya at naglakad paalis.

—————————-
OH MY GEE!! Ilang days ako di nakapagsulat..... Thank you po sa lahat ng nag aabang. Pasensya na po kung short chapter....

PLEASE DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT

THANK YOUU!!

Unexpectedly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon