Chapter 1

886 47 1
                                    

ASHLEY'S POV

Ngayon ang unang araw ng pasukan, at aaminin kong hindi ako excited. Ang pinaka ka away ko kasi talaga pag sa school ay ang unang araw ng pasukan dahil mag o-orient nanaman at mag papakilala sa loob ng classroom ng pa ulit ulit. Nakakasawa alam niyo yun? Lalo na't transferee kami ng napaka daldal kong kaibigan.

Narinig kong may pumasok sa kwarto ko at alam kong si Malia yun.

"Ashley?" tawag niya ngunit di parin ako nag mulat ng mata. Tulog pa kasi ako, you know?

"Ash, sorry sa pag gising pero baka kasi ma late tayo sa unang araw ng school. Handa na yung pagkain natin sa baba."

"Mm, susunod nalang ako." sabi ko habang unti unting minumulat ang mga mata.

Tumango siya at lumabas na nang aking kuwarto. Alam niya kasing ayaw kong nadidistorbo ang tulog ko kaya nag so-sorry na siya habang ginigising ako. Bumangon ako at dumeretso sa loob nang banyo para maligo, at ilang minuto pa ay lumabas din ako at nagbihis nang damit. Wala pa kaming uniporme kasi nga bagong lipat kami. Outfit for the first day of school: oversize shirt color gray, pants na jeans at black shoes. Tapos kong bumihis ay dumeretso na ako sa baba para kumain.

"Oh, buti bumaba kana. Kala ko kasi bumalik ka na naman sa pag tulog." bungad ni Malia sa akin.

Hindi ko siya pinansin at dumertso na agad ako sa upuan at kumain. Habang kumakain ay napansin kong naka tingin siya sa akin kaya naman tinignan ko rin siya.

"Bakit?" tanong ko.

"Sure kana ba dito?" tanong niya. Binaba ko ang spoon and fork at naupo nang ma ayos at tinignan siya.

Heto na naman tayo.

Sabi ko sa isip ko, tumikhim muna ako bago nag salita.

"Mal, napag usapan na natin to diba?"

"Oo nga, pero baka kasi—"

"Sure na ako, and that's final. Ayaw ko na muna pag usapan yun." putol ko sa sinasabi niya.

Huminga muna siya nang malalim bago nag salita "Okay, sorry"

Di ko na siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagkain. Tapos namin kumain ay lumabas na kami at dumeretso sa kanya kanyang sasakyan. Si Mal mag ko-kotse samantalang ako naman ay mag mo-motor. Sabay kaming lumabas nang village at dumeretso papuntang school. Di rin nag tagal ay narating namin ang school at nag park. Sabay kaming pumasok at hinanap ang aming classroom, nasa second floor kasi kaya aakyat pa kami. Pag dating namin sa loob ay agad kaming pinagtitignan ng mga estudyante, malamang bagong lipat kaya di sila pamilyar sa amin. May isang babaeng maganda ang lumapit sa amin at nag pakilala. Kung tutuusin mukha nga siyang model dahil sa ganda niya at pananamit.

"Hi, transferees kayo?" tanong niya.

Ayy hindi, mga old students kami. Halata ba?

"Ay hi, transferees kami" sagot ni Mal.

"Ako nga pala si Katrina Rose Valdez but you can call me Kat for short" pagpapakilala niya.

"Ah ako nga pala si Malia Grace Villanueva, Mal for short" pagpapakilala ni Mal sa kaniya, at nag shake hands sila. Maya maya pa ay bumaling siya sa akin at hinihintay na mag pakilala ako sa kaniya, pero tinignan ko lang siya kaya sa halip na magpakilala ako ay si Mal ang nag pakilala sa akin.

"Ah, siya pala si Ashley Kate Reyes, Ash for short. Bestfriend ko"

"Hi Ash" bati niya sa akin habang nakalahad ang kamay niya. Tinignan ko lang ang kamay niya.

Unexpectedly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon