ROZEL
"Hi, Rozel."
Napatingin si Rozel sa isang magandang babae na may malagkit na tingin. Sinagot niya ito ng isang kindat. Tumili naman ang babae.
He is Rozel Garcia, business administration student. Why is he taking a business course? Because he is the only heir of the Garcia Inc., the second biggest corporation in the Philippines. And his father, Leon Garcia, is one of the wealthiest people in the world.
And yes, he was branded as the playboy in the campus.
Hindi naman talaga niya gusto ang mga dating nakarelasyon. Ang relasyon niya sa kanila ay katuwaan lang, kumbaga past time. Alam nang mga naging syota ang patakaran niya at wala naman problema ang mga ito.
"Are you free tomorrow night?" Lumapit na ang babae sa kanya.
Bago pa siya makasagot ay may natanaw siyang isang babaeng naglalakad. Alexa Villanueva. Nagtama ang kanilang tingin kaya inilagay niya ang isang kamay sa bewang ng kaharap.
"Yes, baby. I'm free," medyo nilakasan niya ang pagkasabi saktong madinig ni Alexa. Kinilig naman ang kausap.
"I'll have a party in my house and I want you to be there," malanding sabi ng kaharap.
"Sure, I'll be there." Binigyan niya ito ng makahulog-panty na ngiti na mas lalong ikinapula ng mukha nito.
Inilipat niya ang tingin kay Alexa. Binigyan naman siya nito ng kakaibang tingin na parang nandidiri sa kalandian nila.
Tinanggal niya agad ang kamay sa bewang ng kaharap nang nilampasan at nakatalikod na si Alexa.
Wala siyang sineryoso kahit isa sa mga dati niyang nakarelasyon dahil sa dalaga. Matagal na siyang may gusto kay Alexa. Unang kita pa lang niya dito sa bahay ng kaibigan niyang si Arvin, na kapatid ng dalaga, ay nahulog na ang loob niya dito.
Ngunit mailap sa kanya si Alexa at tuwing nasa malapit ito ay natotorpe siya Kaya naman tinatakpan niya ang pagiging torpe sa pagiging playboy.
Isa pa, iba ang gusto ng dalaga. Si Xander na kaibigan din nila ni Arvin. Ayaw niyang umasa kay Alexa lalo pa at harap harapan nito pinapakita ang paghanga kay Xander. Masakit para sa kanya kaya naman inaaliw nalang niya ang sarili sa mga babaeng makakasama.
-
-
-Nasa basketball court silang magkakaibigan kung saan lagi sila tumatambay. Basketball varsity si Xander kaya nanonood sila sa practice nito at para na din masulyapan niya si Alexa sa kabilang upuan habang mataman nakatingin sa kaibigan na nasa korte.
Nang mag break ay agad tumakbo si Xander patungo kung saan nakaupo ang dalaga.
"Ito talaga si Xander oh. Basta nandiyan kapatid mo parang wala lang tayo sa mokong na iyon," dinig niyang reklamo ni Ice.
Nasa dalawang tao na nasa kabilang bleacher pa din ang atensyon niya. Bakit kaya si Xander ang nagustuhan ng babaeng iyon? Halata naman na mas gwapo siya ng sampung paligo. Tsk!
"Rozel," pukaw sa kanya ni Ice.
"Oh?" Walang gana niyang sagot dito. Inalis niya ang paningin sa bwesit na "view" sa kabilang bleacher.
"I heard you are flirting with Leanne," Ice.
"Grabe naman ng tenga mo huli na sa balita. Last week pa iyon." Nakangising sagot niya dito.
"Grabe ha parang nagpapalit lang ng brief kung magpalit ng babae," komento ni Arvin.
"Wala eh gwapo ako," mayabang niyang sabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/186647537-288-k855157.jpg)
YOU ARE READING
THE PLAYBOY IS IN LOVE (On-Going)
Romance#2 ROZEL DEL VALLE He is a playboy, famous in the campus, different girls every week. But what will happen if the playboy falls in love? Hard. Written by: Thoth Istoria Started: May 2020 Finished: