Chapter 2

29 5 0
                                    

ROZEL

"Naman tol! Nakakabobo ba?"

Founder's Day ng unibersidad nila. Nasa korte silang magkakaibigan nakaupo habang si Yazlin at Alexa ay busy sa pagkuha ng litrato sa mga naglalaro.

Nasa isang tabi lang silang apat habang inaasar si Arvin sa kabobohan nito. Paano ba naman nag group message pa ang gago na maaga daw ito kahapon dumating sa unibersidad nila. Linggo kahapon kaya walang pasok. Pasikat kasi masyado kay Yazlin. Napahiya tuloy.

In love din naman siya katulad ng kaibigan niya ngunit hindi niya pinapairal ang kabobohan.

Napatingin siya sa dalawang babaeng papalapit habang nagtatawanan. Malaki din ang pinagbago ni Yazlin. Hindi na ito mukhang loner ngayon. Si Arvin siguro ang dahilan ng pagbabago nito. Hindi naman niya masisisi ang kaibigan kung nagkagusto ito sa babae dahil maganda naman talaga ito at bagay ang dalawa. The beauty and the beast.

"Let's go?" tanong niya kay Alexa nang makalapit na ang mga ito. Tumango ito.

Naglalakad sila palabas ng campus habang nakahawak siya sa isang kamay ng dalaga. Kumbaga holding hands while walking. Hindi naman ito pumalag at mukhang komportable naman ito sa paghawak niya.

Nasa daan na silang dalawa nang magtanong sa kanya ang kasama.

"Saan tayo pupunta?" Alexa.

"Sa bahay."

"Ano?! Ano naman ang gagawin natin doon?" Natatarantang tanong nito. "Hoy Rozel, hindi natin pwedeng gawin "iyon" noh!"

He flicked her nose.

"Ang dumi ng isip mo," ngumuso ito habang nakahawak sa ilong. "We will not do 'it'. Unless you want to."

"Hmp! No!" Natawa siya. Kailangan talagang sumigaw?

-
-
-

Nakahawak pa din siya sa kamay ng dalaga nang paakyat na sila ng hagdan patungo sa silid niya. Binawi ng dalaga ang kamay nito na hawak niya at niyakap ang sarili nang bumungad sa kanila ang lamig ng aircon pagbukas ng pinto.

Dumiretso siya sa aircon at hininaan iyon nang makapasok silang dalawa. Iginala ng dalaga ang mga mata sa kabuuan ng kwarto niya. Lumapit ito sa mga larawan na nasa itaas ng cabinet.

"Ako ito ah," turo nito sa isang larawan na nandoon. Kuha niya iyon sa dalaga nang nasa basketball court ito at hindi nakatingin sa kanya.

"Ganda ko pala talaga," ani nito.

Lumapit siya dito at niyakap ito mula sa likod. Nanigas naman ang katawan nito sa ginawa niya.

"Yes you are."

Nanatili sila sa ganun posisyon ng ilang sandali. Bumitaw siya nang yakap sa babae at pinaharap ito sa kanya at hinalikan ang sentido nito.

"Magbibihis lang ako," aniya. Tumango naman ang dalaga.

Kumuha siya ng damit sa cabinet at pumasok sa banyo. Medyo natagalan siya dahil naligo pa siya. Lumabas na siya nang makabihis na. Napatingin siya kay Alexa na tahimik na nakatulog sa ibabaw ng kama niya. Napangiti siya.

Hinubad niya ang sapatos na suot nito at inayos ang pagkakahiga ng dalaga. Kinumutan niya ito. Napatitig siya sa magandang mukha ni Alexa. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala na kasama niya ang dalaga ngayon. Na nahahawakan at nayayakap niya.

He kissed her forehead. God! He loves her so much.

Nanonood siya ng TV na nasa kwarto niya nang makitang napabalikwas mula sa pagkakahiga ang dalaga. Kinapa nito ang sarili. Natawa siya.

THE PLAYBOY IS IN LOVE (On-Going)Where stories live. Discover now