Chapter 6

16 2 0
                                    

ALEXA

Nagliligpit siya ng mga gamit nang tumunog ang kanyang cellphone. Kakatapos lang ng huling klase niya. Binasa niya ang mensahe na alam naman niya kung kanino galing.

Rozel:
I'm done with my class.

Mabilis siyang nagtipa ng reply sa binata.

Alexa:
Can you wait for me at the basketball court?

Rozel:
Okay, babe.

"Who is texting you?" Tanong ni Yazlin na may kakaibang ngiti sa mga labi. Halata naman na alam nito na ang nobyo ang ka-text niya.

Kinikilig siya tuwing tinatawag na nobyo si Rozel. Hindi pa din siya makapaniwala sa nangyari kagabi. Nalaman din niya na may partisipasyon sa plano ng binata ang kasama. Hindi lang daw ito pinayagan ni Arvin na sumama pa sa lugar kung saan siya dinala ng dalawang lalaki.

"Si Rozel," para siyang kinikiliti tuwing naiisip ang binata. Sino ba naman mag-aakala na magiging boyfriend niya ito?

"Kinilig ka ba kagabi?" Nakangising tanong sa kanya ng kaibigan.

"Syempre! Naiyak nga ako eh," natatawa niyang sabi dito.

Sino ba naman babae ang hindi maiiyak sa ginawa ng binata kagabi? Inayos nito ang sasakyan para maging romantic at ang fireworks na ang kapatid pa talaga niya ang tumulong sa nobyo.

"Ikaw ba? Sinagot mo na ang kuya ko?" Ganti niyang tanong sa kasama. Namula naman ang mukha nito.

"Hindi pa," Yazlin.

"Huh? Kailan mo planong sagutin?"

"Soon," tumili siya sa sagot ng babae. Kinikilig siya para sa dalawa. Bagay na bagay talaga ito at ang kapatid niya.

Naglalakad na silang dalawa ni Yazlin patungo sa basketball court kung saan naghihintay ang mga lalaki. Malapit lang naman ang korte sa silid kung saan ang klase nilang dalawa kaya ilang sandali lang ay nakarating agad sila.

Lumapit agad sa kanya si Rozel at inalalayan siyang umupo. Walang practice si Xander ngayon. Naging tambayan na talaga nilang anim ang korte kapag wala silang klase.

"May sinagot pala kagabi," biglang saad ni Xander. Ngumisi naman dito ang nobyo sabay akbay sa kanya.

"Gwapo eh. Kaya hindi nakatiis, sinagot. Diba babe?" Sinapak niya ang nakangising nobyo. Tumawa lang naman ito.

"Sa hiwalayan lang din naman ang bagsak--aray!" Sigaw ni Xander nang batuhin ito ng ballpen ng katabi.

"Wag kang bitter," napailing nalang siya sa dalawa. Kahit kailan talaga parang aso at puso ang mga ito.

"Boto kana pala sa kaibigan natin ngayon, Arvin? At tumulong ka pa talaga," si Ice ang nagsalita.

"Nakakaawa kasi ang mukha habang humihingi ng tulong," panunutya ng kapatid niya sa nobyo.

"Hoy! Hindi kita pinilit kahapon no," Rozel.

Isang oras din silang tumambay sa korte. Nag-uusap at nagtatawanan hanggang isa-isang nagsialisan ang mga kasama. Kaya silang dalawa nalang ng nobyo ang naiwan.

"Babe," malambing niyang sabi sa nobyo. Hindi pa din siya sanay sa tawagan nilang dalawa.

"Hmm?" Rozel. Nakaakbay pa din sa kanya ang binata.

"Makakapunta ka ba mamaya sa bahay?" Nahihiya niyang tanong.

Plano niyang ipakilala sa mga magulang ang nobyo. Nasabi na niya sa mga magulang kaninang umaga ang tungkol sa lalaki kaya hindi na makapaghintay ang dalawa na makilala si Rozel.

THE PLAYBOY IS IN LOVE (On-Going)Where stories live. Discover now