Chapter 5

22 5 0
                                    

ROZEL

Nakatayo siya sa labas ng silid kung saan ang klase ni Alexa. Hinihintay niyang matapos ang klase ng dalaga. Hindi alam nito na nasa labas siya naghihintay dahil gusto niya itong sorpresahin. Nakahilig siya sa pader habang nasa bulsa ang mga kamay.

Ilang buwan na din siyang nanliligaw sa dalaga ngunit hindi pa din siya nito sinasagot. Wala naman siyang reklamo doon. Hindi niya masukat ang sayang nararamdaman kapag kasama niya ang babae. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala na heto siya ngayon naghihintay sa babaeng noon ay tinitingnan lang niya sa malayo.

Naalala niya ang araw noong una niya itong makilala.

"Kuya!" Napatingin siya sa isang magandang babaeng tumatakbo palapit sa kaibigan niyang si Arvin. "How was your first day?"

Parang tumigil ang mundo niya habang tinitigan ang dalaga. Wala siyang ibang nakikita sa paligid kundi ito lamang. Ang bakla pakinggan ngunit parang magnet ang kagandahan nito at hinihila ang atensyon niya.

Napaayos siya ng tayo nang tumingin ito sa direksyon nila. Sinuri sila nito isa-isa hanggang tumigil sa kanya ang tingin nito. Nagsaya ang kalooban niya nang mapansin pinasadahan siya nito ng tingin. She is checking me out.

Tiningnan niya din ang dalaga mula ulo hanggang paa. Maganda talaga ito. Maputi, tamang tangos lang ng ilong, mapupula ang mga labi at maganda ang hubog katawan. He smirked.

Lumabas mula sa kung saan ang hula niya ay ina ni Arvin at nag-usap ang tatlo sa harap nila. Hindi siya nakikinig sa mga ito dahil nasa dalaga pa din ang buo niyang atensyon.

Ngumuso ang babae nang ginulo ng kapatid nito ang buhok. Tsk! Maganda talaga kahit saang anggulo tingnan. Mabilis naman nitong inayos ang nagulong buhok na parang nahihiya sa ginawa ng kapatid.

"Akyat lang po muna kami sa kwarto ko," dinig niyang sabi ni Arvin sa ina nito. Sinulyapan niya muna ang dalaga bago sumunod sa kaibigan.

"Hindi mo sinabi na maganda pala ang kapatid mo, bro." Nainis siya nang marinig ang sinabi ni Xander nang makapasok sila sa silid ni Arvin. Mabigat sa loob niya kapag iniisip na may ibang lalaking nagagandahan sa dalaga.

"High school pa lang ang kapatid ko, hoy!" Reklamo naman ni Arvin.

"Wala naman akong balak. Sinasabi ko lang naman na maganda siya, diba Rozel?" Napatingin sa kanya ang tatlong pares ng mata. Lalo na kay Arvin na hinihintay talaga ang sagot niya.

"Yeah she is, but she is not my type." Napansin niyang nakahinga ng maayos si Arvin sa sinabi niya.

It was a big lie. She is way more than his type, but he could not say it. At least not now. She is too young and too innocent.

"Dinner is ready!" Naputol ang pag-uusap nila nang marinig ang sigaw ni Mrs. Villanueva.

Lumabas sila ng silid na sakto naman kakalabas din ni Alexa sa kabila. Inirapan siya nito at nilampasan silang apat. Tumaas ang isang kilay niya. Oh, she is feisty.

"Hi, Rozel." Naputol siya sa pag-iisip at napatingin sa nagsalita. Nakatayo sa harap niya si Leanne.

Isa ito sa naging syota niya ng ilang araw. Maganda ito at sexy. Aaminin niyang may nangyari sa kanila ng babae ngunit isang beses lang iyon. It was just lust, nothing more. At isa pa, lasing siya nang may nangyari sa kanilang dalawa. Hindi siya seryoso sa mga babae niya. Lahat ng iyon ay katuwaan lang. Isang babae lang ang nagmamay-ari ng puso niya at iyon ang babaeng mataman niyang hinihintay ngayon.

THE PLAYBOY IS IN LOVE (On-Going)Where stories live. Discover now