I become cold towards Lexine and Cassy. They can feel it, actually pati sila Alex nafefeel yon. I am not talking to them kapag hindi tungkol sa thesis or any related sa klase. It's not my intention to get cold, gusto ko lang matuto sila na dapat marunong silang makiramdam at gumawa ng bagay kahit hindi na sabihin sakanila. I even saw Lexine crying and Cassy having a swollen eyes. Ganon ang scenario namin the past two days. Kahit sila Alex, nag tatry na din na pag ayusin kami. Pero dahil matigas ako, they failed.
Yes, we are living in the same roof. But I'm still cold. Lalabas lang ako kapag kakain or kapag mag luluto ako. Iba ako magalit eh. Hindi ko talaga sila kakausapin kahit ngumawa sila jaan.
"Jia, let's eat lunch." Lexine approach me. But I didn't bother to look at her. Tumayo ako at lumabas na ng room. Naghihintay din sila Alex doon. I even saw Jayce look at me with a worried eyes. Nilagpasan ko sila. But I heard Lexine. "Ayaw niya eh. Hindi niya ako pinansin eh." Sabi niya kay Anton. I sighed at naglakad ako pabalik sakanila. Natigilan si Lexine at si Cassy naman nakatingin sakin habang paluha na.
"Jayce, saan kayo kakain?" Tanong ko sabay baling ng tingin ko sakaya. But Lexine answered my question. "Jia, sa McDo. Are you going to eat with us na?" She asked, pero hindi ko siya tinignan or sinagot. Kay Jayce lang ako nakatingin, he sighed and hold my hands. "Yes Lexine. She's going to eat with us. Let's go." Sabi ni Jayce ng nakangiti. I rolled my eyes on him but he pinched my check.
Binawi ko ang kamay kong hinawakan ni Jayce at nauna ng naglakad. They followed me. They ordered food for us. Nagulat ako ng may nilapag na sundae si Lexine sa tapat ko. And Cassy gave me the apple pie. I rolled my eyes to the both of them but they hugged me.
"Let me go, bitches. Hindi ako makahinga." Sabi ko ng nakangiti. I saw Jayce, Alex and Anton smiled. I know they understand my reason why I am not talking to Cassy and Lexine.
"Sorry na kasi. Bati na tayo." Mahinang sambit ni Lexine sakin. She's too pacute. I pinched her checks. I turned to Cassy and she pulled my hair. "Attitude ka ha! Bweset ka." Sabi niya sakin pero tumutulo luha niya. I just laughed at them. "Kain na tayo, gutom na ako." Sabi ko.
Bumalik sila sa upuan nila at tumabi sakin si Jayce. Nilapag niya sa harap ko ang food ko, and I say thanks. He smiled at me and whispered "Katakot ka magalit." Ngumisi lang ako sakanya at kumain na. After eating, umuwi na kami since hanggang three pm lang ang pasok namin. Hindi pa rin makamove on yong dalawang bruhilda kaya sila ang nagluto and all. They let me rest.
------Week had passed and here I am again! Being stressed with my IM's! Wala ng creative juices ang utak ko! Shit!
Nakasimangot akong umupo sa tabi ni Jayce. Nandito kami ngayon sa Student Plaza, break-time kaya tatambay muna kami. Nakakastress! Ang daming activities na kailangang tapusin, hindi ko alam kong ano ang uunahin ko.
"Bakit nakasimangot ka nanaman?" Tanong ni Jayce sakin. I sighed at dumukmo na lang sa table. Kailangan ko mag-isip! Hindi pwedeng plain ang designs ng IM's ko!
"Naubusan ng creative ideas yan kaya ganyan. Ayaw niyang maging plain ang designs ng IM's niya. Eh madami pa kaming activities." Sabi ni Lexine na mukhang stress din. Buti pa siya, tinutulungan siya ni Anton. Ganon din si Cassy, tinutulungan siya ni Alex. Sana all may jowa! Nakakainis!
"Dapat na din ba akong maghanap ng boyfriend para may tumulong sakin?" Tamad na sabi ko sakanila.
Nanlaki naman mata nila sa gulat. Wala namang nakakagulat sa sinabi ko eh. Ang daming advantage ng may jowa. Lagi nga sila Alex at Anton sa condo kasi sinasamahan nila yong dalawa sa paggawa. Habang ako, nasa kwarto lang.
"Bakit?" Tamad pa ring sabi ko. Binalingan ko ng tingin si Jayce, ang sama ng tingin sakin. "Ano?" Sabi ko rito. Hindi naman umimik. Bweset.
"Jia, tulungan ka din namin. Hindi mo naman kasi sinabi agad eh." Sabi ni Anton. If I know nagpapalakas lang yan. "Oo nga, Jia." Sabi din ni Alex. Inirapan ko sila. Dumukmo na lang ako ulit sa table. Wala na talaga akong maisip na pwede kong i-design sa IM's ko!
Hanggang sa makapasok kami sa next class namin, nag-iisip pa rin ako. Sana all talaga may jowang handang tumulong sakin. Nakakainis naman kasi, bakit wala akong boyfriend. Hanggang uwian, wala pa din akong bagong naisip for my IM's design. Hayaan na nga. Nagkulong na lang ako ulit sa kwarto ko. Nilabas ko lahat ng dapat kong gawin. Kastress, ang dami! Hindi ko talaga alam kong anong uunahin ko. Naiiyak na ako. I heard a knock on my rooms door, pinunasan ko muna yong luha ko bago ako tumayo at buksan ang pinto. And to my surprise, it's Jayce.
"Bakit ka nandito?" Sabi ko. Pero ang tingin niya nasa loob ng kwarto ko. Narinig ko din sila Alex at Anton nasa sala. Bumalik ang tingin saakin ni Jayce.
"I'm here to help you." He almost whispired. Bigla na lang tumulo yong luha ko. Naiiyak na ako eh, sobra. Sobrang stress at frustration na yong nararamdaman ko. Niyakap ako bigla ni Jayce. "Huwag ka ng umiyak. Tutulungan na kita." Bulong niya.
Nang tumahan na ako, pumunta muna kami sa sala. Napansin nilang kakagaling ko sa iyak.
"Jayce, pinaiyak mo?" Gulat na tanong nila Alex. Umiling si Jayce bago sumagot. "Biglang umiyak 'nong nakita ako e." Biro niya.
"Ganyan talaga yan kapag sobrang stress na niya. Lalo na kapag hindi siya nakakapag-isip ng maayos na concept na gusto niya." Sabi ni Cassy. Bahagya namang tumango si Lexine at bakas ang pag-aalala sakanya. I just smiled at them. Kumuha ng tubig si Jayce at pinainom yon sakin.
"Halika na, gawin na natin yong dapat mong gawin." Sabi niya saakin. Tumango lang ako at tumayo na. Pumunta kami sa kwarto ko. Mas gusto ko gumawa dito, tahimik. Mas makakapag-concentrate ako kapag ganito.
"Wala ba kayong gagawin? Thesis niyo?" Mahinang tanong ko sakanya. Umiling siya umupo sa sahig. Sinimulan niyang tignan ang mga IM's na natapos ko. "Ako na gagawa sa iba. Simulan muna gawin yong ibang activities mo." Sabi niya saakin. Tumango ako at umupo sa tapat niya. Nag simula na akong sagutan ang mga activities and assignmensts ko. Nireview ko din ang thesis namin.
After almost two hours, natapos kami ni Jayce. I sighed at lumapit sakanya. "Thank you." I whispered. Hinila niya ako palapit sakanya at niyakap.
"You don't need to find a boyfriend. I'm willing to help you." Sabi niya. He kissed the top of my hair. Kumalas siya sa pagkakayakap saakin. He hold my both checks and he tilt his head towards me. And with that, I felt his lips brushed into mine. I closed my eyes as I feel him moving his lips towards mine. He stop when he heard a knock on my room's door. He smiled at me, before wipinng my lips. Nauna siyang tumayo at lumabas. Nanatili ako sa kwarto ko ng ilang minuto, bago ko naisipang sumunod.
Umuwi sila after we ate our dinner together. I said my thanks to Jayce, he smiled at me genuinely. Realization hits me! He fucking kiss me! He kissed me! Shit!
I open my instagram account when I finished doing my night routine. And I saw Jayce's post. It's my picture, I am busy doing my activities, tutok na tutok ako sa ginagawa ko. And the caption is....
"I like you, Ma'am Jia."
BINABASA MO ANG
Love Untold (COMPLETED)
Fiksi RemajaEveryone believe that I am fine. Everyone seems enjoying my mask. Everyone thought, I was living my life in the fullest. No one knew I was in pain, that I am suffering. Not until I met a guy, he made me believe that actions speak louder than voice...