"Siri, may dumating na delivery for you!" ang aga aga pa pero kung sumigaw itong si Bree ay akala mo walang kapitbahay na mabubulahaw.
"Ano ba Bree? Nandito lang ako, pero abot sa kapitbahay ang sigaw mo" I stepped out of the kitchen at pinuntahan sya sa sala
"May nagpadeliver ng flowers for you! Look oh!" para bang gulat na gulat pa sya pero
"Kanino daw galing?" hindi ako interesado sa kung sino man ang nagpadala non but infairness, maganda ang boquet lalo pa at combination ito ng roses at stargazer flowers. My favorite.
"Hindi ko alam. Wala namang nakasulat. Pero uyy, may nahumaling hahahaha" saka sya humagalpak ng tawa na para bang ngayon lang may nagpadala sakin ng bulaklak sa bahay. Lol.
Bree is one of my best friends, and yes magkasama kami sa bahay.
"Tigilan mo ang pang aasar sakin at itext mo na sila Gwen at Cassie. Sabihin mo ay bilisan dahil nasa airport na daw sila Jax at Kaeyda iniintay tayo".
May gala kasi kaming magkakaibigan ngayon. Hongkong. Pare-parehas naming hilig ang pag gagala ibang bansa man o dito sa Pilipinas.
"Oo na. Kung mag madali to akala mo ay 1 hour away ang biyahe mula dito hanggang sa airport ah" sinabi ni Bree yon ng di padin nawawala ang pang aasar sa boses nya.
Saka nya ako iniwan sa sala at umakyat sa kwarto nya. Siguro ay mag eempake na. Alam kong kahit inaasar ako nito ay may idea na siya kung sino ang nagpadala ng bulaklak.
"Gio..." wala sa sariling nabanggit ko habang nakatitig sa bulaklak na hawak ko. Siya lang ang nagbibigay sakin ng roses na may stargazer flowers.
"Pero hindi. Imposible. Hindi na siya babalik" para akong baliw na kausap ang sarili ko.
May parte sakin na umaasang siya nga ang nagbigay non pero masyadong imposible yon. Dahil alam kong hindi na sya babalik.
"I have to chase my dreams, Siri. Im sorry" Parang audio na bigla kong narinig sa utak ko ang sinabi ni Gio nung gabing yon 4 years ago.
"Imposible" umiling pa ako ng umiling habang kausap padin ang sarili, umaasang mawawala sa utak ko ang pag asang si Gio ang nagpadala non.
Dahil iyon ang pagkakakilala ko sa isang Ian Angelo "Gio" Velasquez. Hindi nya ugaling bumalik.
Nalungkot ako sa sarili kong naisip at wala sa sariling dinala sa kwarto ko ang boquet.
He left me years ago. Our story should remain as it is, because we no longer share the same rays of night.
YOU ARE READING
Rays of Night, Again (ON-GOING)
RomanceAstro Series #1 - Rays of Night, Again Ian Angelo Velasquez. A man who finds peace with the night sky. Despite being a womanizer, he has a soft spot in his personality that not everyone get the chance to know. For him, every stars that shines has a...