"Hindi ba natin iintayin si Cassie?"
Nandito kami ngayon sa Cafeteria sa labas ng school at hindi ako makakain dahil wala si Cassie. Ang tagal nya!
"Siri wala kay Cassie ang kaldero. Kumain kana baka malate tayo sa next subject" Kaeyda answered with her brows furrowed.
"Oo nga major yon ah! Bawal ang late" sabi naman ni Jax while looking at her phone, maybe to check the time.
Hindi ko din alam kung bakit di ako maka kain ngayon ng wala si Cassie! This is the first time na iniintay ko sya para maka kain knowing na magkaiba naman ang class schedules namin.
"Don't tell me dahil to dun sa schedule nya na hinihingi mo last night?" Bree asked me as if she is so sure na yun talaga ang reason ko.
Dahil ba don? E kung dahil nga don aamin ba ako?
Hindi kasi ako nakatulog sa sobrang excitement na makita si Gio ngayon! Pero lunch time na at di ko padin sya makita kaya hinihintay ko si Cassie para maki chika syempre.
"Ichat mo nalang kasi. Ang dali dali ng problema mo mamsh" Gwen added. "Gusto mo talaga yung kaklase nya ano?" eto nanaman kami sa pang aasar e!
Gusto ko lang naman makita sya. Dagdag inspirasyon syempre. Char.
"Yes, Cassie?" napatingin ako kay Kaeyda nung narinig kong kausap nya sa phone si Cassie.
Nakita nya kaming napalingon sakanya kaya ni-loud speaker nya yung call.
"Di ako makakasabay sa lunch ngayon. I still have a class" narinig namin ang buntong hininga sa sagot ni Cassie.
Parang pagod na agad sya sa mga klase nya e kalahating araw palang naman ang naipapasok nya.
May klase pa sya? Di sya kakain? Edi si Gio din hindi kakain?
Nakinig nalang ako habang nilalaro yung pagkain sa plate ko.
Kung bumili kaya ako ng pagkain tapos ihatid ko kay Gio? For sure gutom yun kasi di sya makakapag lunch.
"Myghad Carlaile Hennessy! Kanina ka pa iniintay ni Siri dito, she's waiting for the copy of your schedule" Kaeyda answered.
"About that, mamaya ko ibibigay! Tara sa condo ko later after class." Cassie answered with excitement.
Nako for sure hang out session to! Pag ganyan ang excitement sa boses nya, hang out ang ibig sabihin nyan.
"You'll buy drinks? And foods?" Bree interject.
"Ang kuripot nyo! Fine! Sige na i still have class. Nandito na ang prof" yun lang and she hanged up the line.
Hindi naman sa kuripot si Bree. Hindi din naman sa kami ang kuripot. Pero ang sarap kaya libre 'no! Iba yung dating ng foods and drinks pag libre, parang may halong utang na loob. Char
YOU ARE READING
Rays of Night, Again (ON-GOING)
RomanceAstro Series #1 - Rays of Night, Again Ian Angelo Velasquez. A man who finds peace with the night sky. Despite being a womanizer, he has a soft spot in his personality that not everyone get the chance to know. For him, every stars that shines has a...