"May dala ka bang sasakyan?"
Binitawan ni Gio ang kamay ko at tinanong ako nung nakarating kami sa parking lot.
"Wala e. Sasakyan ng kaibigan ko ang dala namin kanina" napakamot ako sa ulo dahil sa sagot kong yon
Parang bigla ay gusto kong ipagpasalamat na sasakyan ni Bree ang ginamit namin kanina pag pasok. Nag volunteer pa ako kaninang umaga na yung SUV ko nalang ang gamitin namin dahil gusto ko sana isabay sila Jax. Buti nalang pumayag akong sasakyan nalang ni Bree ang gamitin namin dahil may sarili nga namang sasakyan sila Jax.
"To my car, then" itinuro ni Gio ang sasakyan nya at nauna nang maglakad papunta don. Ako naman ay kagat labi na nakasunod sa kanya habang nakatingin sa likod niya. Kanina ay nagmamadali lang ako para makita siya pero ngayon kasama ko na siya.
Lord, salamat po! Magpapakabait po ako lalo, pramis!
"Ito ang sasakyan mo?" napatigil ako sa paglalakad nung huminto kami sa tapat ng Lexus Sports Car. Tinuro ko ang sasakyan niya at nakaawang ang labi na napatingin sa kanya.
Lexus. Shet gaano ba kayaman to?!
"Yep." he shrugged saka niya binuksan ang shot gun seat at inalalayan akong pumasok. Nakaalalay pa siya sa ulo ko para hindi ako mauntog.
"Bakit parang gulat na gulat ka?" tanong niya sakin habang nag mamaneobra ng sasakyan palabas sa parking lot. Hindi ko manlang namalayan ang pagpasok niya sa sasakyan.
"Ah wala. Nagulat lang ako. Sportscar hmm? Nice car!" napangiwi pa ako ng bahagya dahil parang napaka ignorante ko sa sinabi ko.
Baka isipin niya amaze na amaze ako sa Lexus nya!
Nagulat lang talaga ako. Bihira lang ang kilala kong mahilig sa mga sports car. Si Jax lang sa mga kaibigan ko ang mahilig sa ganon. Samantalang simpleng kotse lang ang meron ako at si Bree. Mazda ang sasakyan ko pero hindi naman yon ganito kasosyal. Si Kaeyda naman ay may kotse din pero mas madalas niyang ginagamit ang motor niya, Ducati.
"Alam mo may kaibigan din ako na may sports car. Si Jax. Siguro magkaka sundo kayo" i started a conversation dahil masyadong tahimik sa sasakyan niya. My heart was beating so fast, baka sa sobrang tahimik sa loob ng sasakyan niya ay marinig niya iyon.
Posible naman yon diba?
YOU ARE READING
Rays of Night, Again (ON-GOING)
RomanceAstro Series #1 - Rays of Night, Again Ian Angelo Velasquez. A man who finds peace with the night sky. Despite being a womanizer, he has a soft spot in his personality that not everyone get the chance to know. For him, every stars that shines has a...