Hi, this is Maicahlearnstorock your one and only author na grade 10 student na walang alam sa love. Sana po subaybayan nyo ang story ko. Sana rin magustuhan nyo. At Sana rin maintindihan nyo yung English part ko kasi nag aaral po ako sa Lagapak in English and Pasang awa in Math university! Haha. Kung may mga errors man po ako (for sure marami) paki sabi nalang po in good way.
By the way, thankyou sa pinaka unang follower ko here. Dahil sayo nagka roon ako ng inspiration para mag sulat ulit.
Honestly, pang ilang beses na po akong nag sulat ng story pero madali lang po kasi akong mag sawa eh kaya sa trash bin lahat napupunta. Pero promise ko po sa inyo na tatapusin ko po to kasi may followers---follower na po ako.😄 Alam mo na kung sino ka...
Since Magkaibang mundo po yung title asahan nyo ng magkaibang mundo rin po ang theme song by Katrina. Yun lang po thank-you.🖤
(Grammatical errors ahead)
Characters have no existence whatsoever outside the imaginations of the author. They are not even related to whom with the same names. Events are merely invented.
Plagiarism is a crime and punishable by law.
(Hindi pa po final ang book cover nyan...uulitin ko po, hindi pa final ang book cover nya.)
Prologue
Ehem. "Hi... I'm Kirsten Nicholyne Alonzo Iduzma..17 years old...and..what else..ugh..I picked this course because of family pressure? Yun lang po. Thank-you." Sabi ko at nag bow tsaka nag tungo sa kinauupuan ko sa tabi ni Daisy. Bestfriend ko.
Nandito pala kami ngayon sa Kad's University kung saan kami nag aaral. First day of school kaya pagpapakilala lang yung ginagawa namin.
Si Daisy naman ngayon ang nagpa kilala."I'm Chanellyne Daisy de Monteverdi. 17 years old and I pick this course because I love Math. Thanks" sabi nya tsaka diritso upo sa kinauupuan namin.
Oo Business Management ang kinuha naming Kurso. Number one, family pressure ang dahilan kaya nandito ako. Ang parents ni Daisy at parents ko ay mag business partners. Nag mamay ari kasi kami ng mga malls. Isa na rin siguro yun sa dahilan kung bakit pinilit ako ni Mama na nag BA. Baka gusto nyang sakin ipamana yung negusyo.. syempre, nag iisang anak nila ako eh.
"Tch. Ang boring naman. Asan na ba kasi si Austin?" Sabi ni Daisy at nilibot nanaman ang tingin sa loob ng room. Oo kanina pa nya ang hinahanap ang lalaking yun. Kung sino yun? Hindi ko alam.
Ang sabi sakin, sya raw ang nag mamay ari ng school na ubod ng gwapo at kisig. Kahapon pa sya kinikilig pag naririnig ang pangalan ni Austin. Nag friend Request na nga sya sa FB eh.
Napa tingin ako sa kanya ng parang Ewan lang. Kanina pa sya tingin ng tingin sa wrist watch nya as if nag hihintay sa boyfriend nyang si Austin. E hindi nga sure kung e no-notice ba sya ng lalaking yun kasi balita ko famous raw yun in and out of the campus pati na yung ka grupo nya. Addddaaaa alam kong gangsters ang mga yan. Tch.
"Alam mo kung ano yung masakit?" Tanong ko sa kanya na para bang may hinanakit sa dibdib. Mahiritan nga ang isang to? Napa tingin pa sya sa phone at relo nya bago nya ako tiningan at sinagot.
"Ano?"
"Yung para kang tangang nag hihintay sa boyfriend mo eh wala ka naman 'nun'." Ngumisi naman ako ng parang nakaka loko. Minsan talaga maraming nag a assume! Haha. Sorry sa natamaan.
Napa roll eyes naman sya sa sagot ko. "For sure kekerengkeng ka rin pag nakita mo ang nilalang na yun." Sabi nya at tumingin ulit sa relo nya. Ano ba yan....mag hihintay talaga sya sa lalaking hindi naman sya kilala? Tsaka ako kekerengkeng?

BINABASA MO ANG
Magkaibang Mundo [ON GOING]
Teen Fictionisang gago, manhid, mayabang, pilosopo, mamamatay tao/killer, in short anak ng Demonyo ang na in love sa isang babaeng palaban pero may puso na dapat sana ay pag hihigantihan nya.... pero....anong gagawin nya gayong in love o mahal na nya ito?...