Chapter 5- Shoot To Kill

4 1 0
                                    

Chapter 5

"Let's Go." Sabi ni Tristan kaya sa kanya naman ako ngayon napa tingin ng masama. Anong let's go? Kay Daisy ako sasama. Hindi ko sya pinansin at nilagpasan lang sya. Susundan ko si Daisy!

Kaso napa balik ako sa harap nyang nang hatakin nya ako pabalik gamit ang backpack ko. Sa lakas ba naman ng lalaking to Di ka mapapa balik? Inis akong napa tingin sa kanya.. "bakit ba?!" Sigaw ko sa pag mumukha nya.

Napapa tingin na nga minsan sa amin ang mga students eh kaso wala akong pake. Simula nung mapa lapit ako sa demonyong to, ganyan na maka tingin sakin lahat ng students. Duh? Sanayan lang yan.

"Tatakasan mo ba ako?!" Sigaw nya sakin at hinawakan ako sa braso ko ng mahigpit ng para lang bata. Hinablot ko nga. Sakit ah?!

"Ayyy hindi po...Mag papa alam lang po ako kasi DAY OFF ko ngayon sa pagiging slave mo!" Sarcastic kong sabi. "Umalis ka na nga!" Sabi ko at tinulak pa sya pero wa epek yun sa kanya as usual naman yun.

Ako pa nga yung natangay kasi hinawakan nanaman nya ako sa braso ko tapos kinaladkad kung saan. Yes kinaladkad talaga. Ang hahaha ng legs nya at sa bilis nyang mag lakad, takbo na yung ginagawa ko.

"Ano ba?! Hindi ako marunong mag luto! Ano bang gusto mo?! Mag luto ako ng sunog?! Hilaw?! Eh sa hindi nga marunong mag luto ehhhhhh!" Pag mamaktol ko pa with matching padyak. Wala na talaga akong pake sa sasabihin ng iba!

"Edi tuturuan kita!" Napa kurap naman ako dun sa sinabi nya. "Marunong ka naman pala bakit hindi nalang ikaw ang mag luto para sa sarili mo! Kainis to ah? Nakaka inis ka!" Sigaw ko sa kanya pero parang wala syang narinig kasi patuloy parin sya sa pag kaladkad.

"Hoy ang sakit sakit na ng braso ko kaka kaladkad mo! Mag hinay hinay ka naman!" Sigaw ko pero parang wala parin syang narinig at patuloy parin sya sa pag kaladkad sakin. Anooooo baaaaaa!!!

Sa inis ko, hinablot ko na yung braso ko sa kanya. Mahapdi na yung balat ko sa bakat na bakat nyang kuko.
"Ano ba?! Saan mo ba ako dadalhin kupal ka!" Sigaw ko. Nasa open field kami ngayon at hindi ko alam kung bakit!

"Edi sa FPA!" Sigaw nya pabalik sakin. Tirik na tirik na yung araw pero nag sisigawan parin kami. Nakaka inis. Nakaka dagdag init sa ulo ko! Hoo!

Tsaka FPA?! Sounds like pulis or ano ba yan?! "Bakit dadalhin mo ako sa pulis?! Ano nanaman bang kasalanan ko sayong hinayupak ka?!" Honestly, kinakabahan ako. Bakit may FPA-FPA na syang nalalaman jan! Pulis yun diba?

"Sira! FPA! Food.Preparation.Area! Anong pulis na pinag sasabi mo jan?!" Sigaw nya and alam nyo kung anong reaction ko? Di ako maka tingin.

Oo ang bobo-bobo mo naman, Kirsten! Ba't Di mo naisip yun?! Meron kayo nun nung highschool kayo diba?! Ano baaaaaa yaaaaaannnnnn #feelingbobo

Bobo ka naman talaga.

"Ganon ba yun?" Na pabulong nalang ako sa sarili ko na narinig naman ng hayup na to. "Oo! Ang bobo mo! Tara na nga!" Sabi nya at hihilain na sana ako nang maka rinig kami ng gunshots.

O my g!

Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko at naramdaman ko nalang si Tristan na naka yakap sakin.triple OMG.

Hindi ako maka galaw. Nanigas ako sa pagkaka pilipit ni Tristan sa katawan ko. Naka subsub yung ulo ko sa matigas nyang chest. O m g.

Hindi magka mayaw ang mga students sa paligid namin. Takbo dito, takbo doon...sigawan dito...sigawan doon... Pero kami. Naka tayo lang kami habang naka yakap sakin ang lalaking to at naninigas na ako dito at parang lahat na yata ng dugo ay nasa mukha ko na. Anyare te?

Bang!

At ayun nanaman ang pangalawang gunshot. Hindi ko alam pero dahil na rin siguro sa takot napa yakap na rin ako kay Tristan habang napapa sigaw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Magkaibang Mundo [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon