Chapter 3- Don't Assume

2 3 0
                                    

Chapter 3

Ako si Kirsten Nicholyne Alonzo Iduzma, anak ng pinaka mayaman na pamilya at hinding hindi ako mag papa alipin sa isang killer na nag ngangalang Van Tristan Manzano!

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at tumalikod para mag order ng foods..Mag lalakad na sana ako nang marinig kong mag salita si Tristan kaya napa hinto ako.

"I don't want spicy foods, Kirsten." Sabi nya at tila ba kinikilabutan ako sa pag sabi nya ng pangalan ko, tumayo lahat ng balahibo ko eh.

Ewan ko kung anong meron sa taong to at ganito nalang maka react ang katawan ko at lalo naman ang puso ko. Nag wawala sya sa takot siguro? Ewan. Yung paraan rin ng pag titig nya. Ehhh. Natatakot lang ba talaga ako o meron pang ibang dahilan?

Kung ano man yun, wala akong pake! Basta one thing's for sure, I will never be your slave, Mr. Manzano.
"Sure!" Sabi ko habang naka talikod sa kanya at nag tungo sa counter para mag order ng foods. Ma turuan ka nga ng leksyon, satanas. Para naman malaman mo na ayaw ko sayo! Ayaw kong magpa alipin sayo! Buti sana kung ikaw si Suho ng Exo, papayag pa akong maging aso mo, kaso mukha ka na ngang si Satanas, ugali ka pang Satanas! Mag sama kayo!

Nang maka lapit ako sa counter, agad akong napansin ng counter girl. Buti nalang at hindi masyadong maraming tao ngayon, though marami parin namang kumakain.

"What can I do for you, Ma'am?" Naka ngiti nyang sabi kaya napa ngiti rin ako. "Spicy foods, please?" Sabi ko sa kanya ng naka ngiti. Ang bright ng aura nya ah? Nakaka hawa yung ngiti nya.
"Sure ka ma'am?" Tanong nya sakin na nagpa ngiwi sakin. Mukha ba akong hindi sure? "Yes. Spicy foods. Lahat ng spicy foods o-orderin ko...and see that?" Sabi ko sa kanya at tinuro si Austin. "Sya ang nag request na mag order for free." Sabi ko at ang kaninang true ay naging fake smile nalang. Hmp. Kainis ah?

 

"Ganon po ba ma'am?..segi po. 30 minutes po..anjan na po yung order nyo." Sabi nya at nag smile. Nag smile rin naman ako pero pa g talikod ko nag roll eyes rin. Hmp. Mukha ba akong hindi sure?! Maka balik na nga lang sa table namin!

Pagka upo ko sa table namin, nag uusap naman sila, nag tatawanan. Except lang dito kay Daisy at Austin.. Ewan ko pero first impression ko kay Austin ay ang serious nya. Hindi sya tumatawa or ngumiti man lang, parang syang si Tristan kaso pina lala nga lang si Tristan. Tch. Syempre anak sya ni Satanas.

Actually, kanina pa ako palipat lipat ng tingin sa kanilang tatlo. Daisy, Austin, Tristan kaso walang umiimik.

Si Daisy kanina pa parang tinatakpan ang mukha. Hmm. Alam ko naman kung bakit sya nag kaka ganyan eh! Syempre crush nya ang katabi nyang si Austin. Namumula yung pisngi nya. Aba...ang landi.

Si Austin, wala lang. Tahimik habang naka focus sa phone nya.

At si Tristan naman––OMG! Halos kumawala ang kaluluwa ko nang mahuli ko syang tinititigan ako. Gulat ako kasi hindi man lang kumukurap. Bigla tuloy akong na conscious sa mukha ko...may dumi ba sa mukha ko? Tagus tagusan kasi sya kung tumitig eh.

Pero Di Bali na nga! Nag roll eyes nalang ako kaya kalma lang syang napa iwas ng tingin. Anong meron sa lalaking to? "Hoy. Maka titig ka para kang tanga." sabi ko nalang. Ang ganda mo naman kasi Kirsten. Kaya dapat masanay ka na kung titigan ka ng lalaking––––

"I'm not staring at you...*smirk* I'm staring at HER." Sabi nya tsaka ako tumingin sa likod ko. There I saw the blonde haired girl again with her bestfriend. Tch. Sila nanaman!

Napa tingin sila sa akin–––sa table namin. Oo kanina pa may tingin ng tingin sa amin. Kami ang may pinaka mahabang mesa sa buong cafeteria at sino ba namang hindi titingin? Kasama ko ang Bad Guys.

Magkaibang Mundo [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon