Chapter One- The Devil's Son is Unleashed

7 3 4
                                    

Kulang nalang sabuyan ako ng malamig na tubig ni Daisy para bumalik ako sa katinuan. Mag mula kasi nung nabasa ko yung naka sulat sa sticky note, na blanko na ang isip ko.

We will make your life a living hell daw. Ano ibig sabihin nito? Magiging miserable na ba ang pag aaral ko dito sa Kad's? Hindi. Gimik lang nila yan, Kirsten..sus. okay lang yan–––

"Bakit mo ba kinausap ng ganon si Tristan, Kirsten?!! Hindi mo ba alam kung sino sya?!" Galit na concern na worried na tanong ni Daisy. Tiningnan ko lang sya with my 'grabe maka react te?' look.

Mga lalaki lang naman sila na pa cool na gustong maging hari dito sa campus pero ang totoo, wala silang maibubuga. Puro lang sila hambog. Nananakot lang sila. Duh? Marami na akong nabasang ganyan sa wattpad o Di kaya novel. Yung feeling king sa campus. Sarap pektusan ng mga yun.

"Hindi. Sino ba sila?" Kung kanina ay takot ako sa mga lalaking yun, ngayon naman, naiinis na ako...topic kasi yung pangyayari kanina sa cafeteria ngayon eh. Di ko tuloy ma iwasang ma conscious sa look ko. Panay tingin kasi yung ibang students. Halatang pinag uusap ako. Bahala nga kayo!

"Hindi mo sila kilala?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Daisy. Haist! Naiinis na rin ako sa kanya ha?! Kanina pa sya parang worried eh hindi naman sya ang nasigawan at napa hiya sa harap ng maraming tao kanina...ako naman yun! Naiinis ako pag naiisip ko yun. Nag sorry naman ako pero kung maka sigaw dinaig pa yung nanay ko. Hmp!

"Hindi nga!" Inis na sabi ko at kung pwede lang ibagok ko yung ulo nya para maintindihan nya yung salitang hindi, ginawa ko na. Jusme. Napa face palm naman sya.

Napa roll eyes ako at napa lipat ng tingin sa ibang students hanggang sa dumapo ang tingin ko sa isang blond na babae habang kumakain ng masaya kasama ang bestfriend nya.

Eh sya yung bumangga sakin kanina ah?! Sila yung may kasalanan nito! Kung hindi nila ako binangga edi tahimik sana kaming kumakain ni Daisy ngayon! Hmp! Tapos ngayon, makikita ko silang masaya na parang walang nangyari? Ni hindi man lang nag apologize? Aba lintik lang ang walang ganti.

Kinuyom ko yung kamao ko at mag lalakad na sana ako nang pigilan ako ni Daisy. "Oh easy..Ano ba? Balak mo bang dagdagan ang mga kasalanan mo ngayong araw?!" Inis na sabi nya kaya napa hinto ako.

Wala naman talaga akong kasalanan sa mga nangyari kanina eh! Kasalanan yun ng dalawang bitches na naka upo malapit sa counter! Nako...kung wala lang si Daisy ngayon, na kalbo ko na kayong nga putspang ina kayo!

"Alam mo?!, Ang mabuti pa, mag apologize ka na sa mga Bad Guys!" Sabi nya na mas lalong ikinalukot ng mukha ko! Bakit ako mag so-sorry?!

"Nag sorry na ako kanina, ah?! Tsaka bakit pa ako mag so-sorry kung napa hiya na nga ako, sinigawan kaya nila ako! Tsaka pinag bantaan pa nila ako oh!" Sabi ko sabay nakita sa kanya ng sticky notes na nalukot na sa higpit ng pag kaka kuyom ko sa kamao ko kanina.

Kinuha nya yun tsaka itinapon kung saan sabay hatak sakin palabas ng cafeteria. "Mag sorry ka kung ayaw mong mamatay!" Sabi nya at kinaladkad na nga ako papunta kung saan! Naka labas na kami ngayon ng cafeteria at tumatakbo na kami ngayon.

Pinag titinginan na nga kami–––especially ako ng nga students! As in head turner talaga ako ngayun. Malamang Kalat na Kalat na siguro yung balita kanina.
Tch.  Para tuloy kaming instant celebrity dito!

Dahil masakit na yung kuko ni Daisy na parang bumaon na sa balat, binawi ko na sa kanya ang braso ko.
"Teka-teka nga! Saan ba tayo pupunta ha?!" Giit ko at napa hinto kami sa pag takbo. Hingal na hingal nga kami ngayon eh. Nag mamadali si Daisy eh.

"Edi sa restricted room ng BGs!" Sabi ni Daisy. Ano? May restricted room ang mga lalaking yun? Ang gara ng mga taong yun haaa. Sikat nga sila. Pero bakit kami pupunta dun? Para mag sorry?! Ang bobo mo naman Daisy!

Magkaibang Mundo [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon