Chapter 2
Halos maiyak ako sa inis pagka tapos naming mag usap kanina ng gag*ng Tristan na yun! Ako? Gagawin nyang slave? Ako yata ang may ari ng mall? Huhuhuhu
Tapos nalaman ko pang blockmate ko yung lalaking yun kasi drop out rin pala! At ang masama, tumabi pa sakin!
Pagka tapos ng last subject namin na ENDEV, sumama na ako kay Daisy pa uwi ng naiiyak. Magiging impyerno na ba talaga ang buhay ko sa school na to? Huhuhu. Lilipat ako ng school!
Lilipat talaga ako! Hmp! Pinahid ko yung luha kong tumulo dahil sa inis ko sa lalaking yun. Sinisipa ko pa nga yung floor ng kotse namin sa inis parin. Parang ngang gusto ko ng basagin ang window ng kotse na to eh! Nagagalit na ako!!!!
"Hoy. Ano ba kasing nangyari? Para ka namang ginahasa jan." Sabi ni Daisy at tiningnan ko syang masama. Kung alam nya lang ang nangyari sa loob ng restricted room ng BGs!
Isang lalaking naka towel lang na ikinulong pa ako sa mga braso nya habang nag lalapat yung nga mukha namin?! Parang gusto kong sumigaw sa time na yun kaso naubusan ako ng voice at natuyuan ng lalamunan! Tinakasan ako ng lakas sa time na yun kahit pa gustong gusto ko na syang sapakin at basagin yung bungo nya! Huhu..
"Gagawin nya akong slave....Daisy...lilipat na ako ng school...huhu.." sabi ko sa kanya na nag pa roll eyes lang sa kanya. "Wag mo ng subukang lumipat. For sure susundan ka ng Master nila..." Sabi nya at may kung anong kinuhang papel sa bag nya.
"This paper states all Bad Guys' rules...oh. basahin mo." Sabi nya at kinuha ko naman agad yung papel na inabot nya sakin. Naka tupi pa yung papel kaya binuklat ko at tumambad sakin ang more than 10 rules na printed.
Ang numero unong naka kuha ng attention ko ay yung 5th rule, Okay lang ang pumatay basta may kasalanan ang isang tao sayo, maliit o malaki.
So bawal na bawal ka talagang magka mali sa school na to! Parang kung inis talaga ang tao sayo sa school at may nagawa ka sa kanyang kasalanan ibig sabihin pwedeng pwede ka nyang patayin. Jusme! Bakit kami na enroll sa school na to?
Number two, Bawal ng lumipat ng school pag may nagawa ka ng kasalanan at magiging pwede lang lumipat pag naka survive ka na ng at least isang taon sa school?!
Ano to?! Hindi man lang ba to e imbestigahan ng mga pulis?! Bakit?! Killing is a crime!
"At kung nag tataka ka, hindi saklaw ng gobyerno ang Kad's. May sarili silang batas. Hindi pwedeng mangialam ang mga pulis. Kaya kung sino man ang nag aaral sa school ay tinitingala ng lahat. Biruin mo? Naka survive sila sa school kung saan pwedeng pumatay? At kung lilipat ka man, mag tiis ka muna ng isang taon. Gets?" Sabi ni Daisy at nilagay sa bag nya ang powder nya.
As if my mind went blank. So wala na talaga akong takas kay Tristan?! Huhu...tumulo tuloy ulit ang mga luha ko. Inis na talaga ako..inis, takot, galit--ahhhh! Ewan!
"Hindi ko alam kung bakit na enroll tayo ng mga magulang natin sa school na to...basta ang alam ko, wala ng bawian. There is no turning back." Daisy.
Ng gabing yun, hindi ako maka tulog. Pinipikit ko pa lang ang mga mata ko ay naiisip ko na ang one year na magiging slave ako ng demonyong yun at nag aaral sa isang school na pwedeng pumatay. Seriously? Parang kailan lang ang saya saya ng High school life ko tapos pag dating ng college..anyare?.
Kaya pag gising ko, siguro naka idlip lang ako ng mga 3 hrs, bitbit ko ang mga maleta ko sa mata. Bangag po ako.
Wala akong ganag kumain kaya nag pack nalang ako ng sarili kong lunch at snacks at nag ayus ng sarili.
Mga bandang 7 a.m ay naka alis na ako. 9 pa naman ang klase ko pero kailangan ko pang daanan si Daisy. Gusto kong sabay nalang kami pumasok.
Pag dating ko sa bahay nina Daisy, naabutan ko syang naka bihis na at ready to go na sumakay na sya agad sa kotse ko.
BINABASA MO ANG
Magkaibang Mundo [ON GOING]
Fiksi Remajaisang gago, manhid, mayabang, pilosopo, mamamatay tao/killer, in short anak ng Demonyo ang na in love sa isang babaeng palaban pero may puso na dapat sana ay pag hihigantihan nya.... pero....anong gagawin nya gayong in love o mahal na nya ito?...
![Magkaibang Mundo [ON GOING]](https://img.wattpad.com/cover/225671710-64-k786724.jpg)