Chapter 4
Kung ako lang ang tatanungin, ayaw ko ng pumasok sa school lalo na kapag naiisip ko si Tristan. Kusang kumukulo ang dugo ko pag naiisip ko Sya.
Naiinis ako. Ewan ko. Siguro dahil napaka bossy nga! Umabot na nga lang ng Thursday, utos parin sya ng utos. Hmp!
Ayaw ko man na pumasok, bahala na...papasok parin ako. Sayang naman ang attendance, ang mga activities, yung scores diba?! Ayaw ko namang ma drop out Noh! Para if ever na bagsak parin si Tristan, ayaw ko na syang maging ka klase noh! Nakaka inis kaya yun!
Dahil malapit na akong ma late, bumaba na ako para kumain ng breakfast. Pababa pa lang ako ng hagdan, naamoy ko na ang aroma ng bacon Kaya napa takbo ako patungung kusina.
Pagka bukas ko palang ng pinto, Nakita ko si Mommy and Dad na nag hahain ng breakfast.
"Mom? Dad?!" Masayang sabi ko kaya napa tingin sila sakin. Agad ko silang niyakap ng mahigpit.
"Honey, calm down!" Napapa tawa na sabi ni Mama. Humiwalay na ako sa yakap sa kanila. "Buti nandito kayo!" Sabi ko. Pina upo naman ako ni Dad. Gezzz...I Really missed them.
"Babalik rin kami sa China mamaya, Anak.. may bagong establishment na ipapa tayo doon." Mom. Napa ngiti nalang ako. Ang successful na nila. Ang successful na ng business namin.
"Nag punta lang kami dito to check on you." Sabi ko Dad na agad ko naman na sinuklian nq matamis na smile. How sweet. "so how's school?" Tanong sakin ni Mama.. Gusto ko sana na sabihing 'ayun... Ginawa ang ka isa isa nyong anak na slave.roar! Gusto ko ng tumigil sa pag aaral!' kaso problema ko na yun! Ang busy na nila sa work dadagdag pa ba Ako? Syempre hindi na!
"Ayos naman po. Bakit nyo po pala ako pinasok sa school na yun,Ma?" Sabi ko.
Gusto ko lang malaman kung bakit. Kasi kilala ko si Mom eh. Kinikilatis nya muna ang school bago ako ipasok.
Napa tigil naman sila sa pag kain at napatingin sakin as if they were investigating me kaya napa ngisi nalang ako ng alanganin.
"Your Tita Veronica and Tito Allan suggested that school, Kirsten.it was a famous school daw na kung sino man ang mag aaral sa school na yun au makikilala ng buong Pilipinas o buong mundo. Bakit, Anak? Hindi mo ba nagustuhan? Marami bang bullies? Just let us know.. para magawan namin ng paraan.." sabi ni Dad. Umiling lang ako. Oo Dad, maraming bullies lalo na ang isa jan! But as I said kanina, problema ko na yun. Tsaka ayaw ko na ring mag transfer ng school noh! Baka ano pang sabihin nina Tito at tita? Baka isipin pa nila na napaka OA ko naman. Ang ganda na nga ng school na pinasokan ko, mag rereklamo pa ako.
"Hindi. Wala naman po. Ang nice nga ng school eh.. Ano lang po kasi.... Ang mahal ng tuition fees. Hehe." ang pinaka tanga kong nagawang palusot.. Malamang hindi sila maniniwala sakin kasi ngayon lang ako nag care about sa pera!
Sa maniwala kayo o Hindi, waldas lang ako ng waldas without knowing kung gaano ka hirap kitain ang pera. Kaya nga nandidiri ako sa sarili ko minsan eh. Wala akong kwenta.
Napa ngiti nalang sina Mom and Dad na para bang naging proud sakin. Woah. Naniwala talaka sila sa palusot kong yun?
"Bakit, Anak....na realize mo na ba kung gaano ka hirap kitain ang pera?" Si Mommy.
Tumango nalang ako. Bahala na.. sa susunod mag iipon na talaga ako!
"Finally...Di mag tatagal ikaw na at si Daisy ang magpapa takbo ng company natin." Sabi ni Dad na awkward ko lang nginitian. I hate Math pero siguro naman sapat ng Dahilan na mag pursegi ako na gawin ang kurso na kinuha ko Para naman maka sunod ako sa mga yapak nila. Diba?
"Oh segi na, Anak. Kumain ka na... Ma le-late ka na nyan." Sabi ni Mom kaya automatic naman akong napa subo ng maraming kanin. "Basta anak, pag may mali sabihan mo lang kami." sabi ni Dad. "Sure Dad.."
BINABASA MO ANG
Magkaibang Mundo [ON GOING]
Novela Juvenilisang gago, manhid, mayabang, pilosopo, mamamatay tao/killer, in short anak ng Demonyo ang na in love sa isang babaeng palaban pero may puso na dapat sana ay pag hihigantihan nya.... pero....anong gagawin nya gayong in love o mahal na nya ito?...
![Magkaibang Mundo [ON GOING]](https://img.wattpad.com/cover/225671710-64-k786724.jpg)