Sa bawat paglingon, may ulong ginagawi ang tingin sa iba para di mo mapansin ang kanina pang pagtingin.
Sa bawat salita, may tahimik na palihim na nakikinig, naghihintay na baka masambit ang limang letra na dati ay iyong bukambibig.Sa bawat paghakbang ng iyong mga paa, may isang tangang umaasa.
Na sana ikaw ay mapadpad muli pabalik sakanya.