ayoko na sana

3 1 0
                                    

Ayoko na sanang pumunta pa, sa lugar kung nasaan ka.
Ayoko na sanang pumunta, dahil baka makita ko lang ang mga mata mong nakatingin na sa iba.
Ayoko na sanang pumunta, dahil baka marinig ko ang pagtawa mong parang walang bukas sa sobrang lakas.
Ayoko na sanang pumunta, dahil baka maamoy ko ang nakasanayang langhapin sa tuwing tayo'y magkasama.

Ayoko na sanang pumunta, dahil masakit na.
Ayoko na sanang pumunta, dahil hindi ko na kaya.
Ayoko na sanang pumunta, dahil alam kong luluha na.

Ayoko na sanang pumunta, pero nakakabit na yata sa aking katawan ang salitang tanga.
Ayoko na sanag pumunta, pero gusto pa kitang makita.
Ayoko na sanang pumunta, pero gusto kitang makasama.
Ayoko na sanang pumunta pa, pero baka pwede pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Para Sa Hindi MakalimotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon