Sa di malamang dahilan,
mistulang sa dibdib ay may nakadagan.
Kailangang huminga mula sa kailaliman
at ilabas na minsan ko lang mapakinggan.Pilit inaalala ang kagabi,
kung nakailang tasa ba ako ng kape.
siguro nga'y dala lamang ng palpitasyon,
sana nga ay yun ang rason.Lumipas ang ilang araw,
sa tasa wala ng bakas ng kapeng barako.
Gatas na ang siyang umaapaw,
ngunit sinong hangal nga ba ang aking niloloko.Sasabihing hindi na nauuhaw,
Bilang mo ba ang nagdaang mga araw?
Hindi na ikaw, hindi na ikaw.
pero pigura mo pa rin sa isipa'y lumilitaw.