Chapter 8

99 71 0
                                    

"Tara tambay tayo sa mansyon."

Umiling agad ako dahil may usapan kami ni Tobias mamaya sa library. Maaga nanaman uwian namin dahil wala si Miranda. Purposive English lang naman 'yon kaya okay lang, hindi masakit aralin at pwede pang habulin hindi katulad ng Accounting.

"Bakit saan ka?" Takang tanong ni Kairo.

Ngumiwi lang ako at kinuha ang bag.

"Pinapatawag ako ni Alba." Simple kong sabi.

"Talaga? Sabi ni Celine?"

Kumunot ang aking noo at umirap.

"Hindi Kairo, may usapan kami sinabihan niya ako kahapon. Bakit ba curious ka?"

"Wala naman, tara samahan na kita para sabay tayo pumunta sa mansyon."

Nanlaki agad ang aking mga mata at agad na umiling.

"Hindi na!"

Agad kumunot ang kanyang noo.

"I mean ako na bakit sasama ka pa, mauna ka na!  Mamaya may karat ka pa." Dagdag ko sabay irap para hindi niya mapansin 'yong pagsisinungaling ko.

"Bahala ka nga sa buhay mo." Sabi niya sabay alis ng classroom.

Umirap lang ako. 'Pag kailangan ko siya hindi siya pwede, ngayon namang hindi—namimilit.

As I entered the quiet enormous library of the university, I immediately went to our usual spot. Surprisingly, he wasn't still there. Nevertheless, I seated at the chair and brought out my notebook to rewrite my notes.

Ilang minuto na rin ang itinagal ko sa loob, natapos ko na ang aking ginagawa pero wala pa rin siya. Huminga ako ng malalim at kumuha na lang ng lollipop.

Tutuloy pa ba 'yun?

I brought out my phone and went to the messenger.

Flegrei De Asis:
Hey! Nandito na ako, saan ka na?

Pwede na ba 'yan? Umiling ako at binura ulit.

Flegrei De Asis:
Nandito na ako, bakit wala ka pa?

Para namang ang demanding, ano ako leader sa thesis?

Flegrei De Asis:
Babe, I'm here na po

Natawa ako at umiling. Muntik ko na masend nang magulat ako dahil may biglang humila ng upuan sa aking harapan.

Hinihingal, pawis na pawis, at medyo magulong polo ang Tobias na sumalubong sa akin. Very unlike him, para siyang galing sa marathon. Saan ba 'to galing?

"Kanina ka pa?" Hinihingal niyang tanong.

Tumango lang ako at gulat pa rin sa presensiya niya.

"Sorry I'm late." Paliwanag niya at umupo na rin sa harapan ko.

"Okay ka lang, anong nangyari sa'yo?" Tanong ko

Ngumiti siya at pinunasan ang kanyang pawis sa noo gamit ang itim niyang panyo.

"Marami lang ginagawa." Tipid niyang paliwanag .

Kung marami pala siyang ginawa sana hindi na lang siya tumuloy. He should've texted me, baka inistorbo ko pa siya or what. I felt guilty but I was also curious I mean kung busy siya bakit pa siya tumuloy right?

The Girl is DangerousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon