Errand 3- Beautiful Karma

12 1 0
                                    

Beautiful karma

"Since this is the first day, i would like to call the attention of everyone. I'm your professor in your first subject which is the Facilitating of learning 1. I am Drexen Jay Villadares. You can call me Sir Drex." Pakilala ng guro.

Nagulat siya nang maghiyawan ang mga kamag aral niya. Aminin niya man ay nagwapuhan siya sa guro.
Magaling siyang manghula ng edad sa tingin niya ay nasa mid 20 palang ito.

"Sir, can I ask a question?"
"Yes you may."
"How old are you sir?" Tanong ng classmate niya na alam niyang may halong pag nanasa sa guro.

"Can someone guess my age?" Nakangiting tugon ng guro sa klase.

"Sir Drex. Si Athena magaling ho manghula yan. Yan ho ang trabaho niya e. Tignan niyo nga naman ang itsura sir."

Nagtawanan ang ilan sakanila.
"Class quiet!"

Halos hindi siya maka kibo sa narinig mula sa classmate niya.
Nagulat siya nang nasa harapan na niya ang guro. Aminin niya man ay sobrang na starstruck siya rito.

"If your guess is right, I will buy you a lunch later and I will join you." Hindi niya alam ang nararamdaman niya sa sobrang lapit nito sakanya.
"25 p-po Sir." Kinakabahang sagot nito. Ang ibang classmate nito ay halos nakatingin sakanya ng matalim at ang iba naman ay naiingit.

The prof smiled geniunely to her.
"Tama nga ang sabi ng classmate mo. You're the best in guessing. Join me later." Sabi nito sabay talikod at pumunta na sa unahan upang magturo.

Mabilis na lumipas ang oras. Ayaw niyang sumama ngunit wala siyang choice kundi ang sumama na lang dahil makakatanggi ba siya kung nasa harapan na ang guro na halatang hinihintay na siya.

"S-sir huwag na lang ho. Baka kung ano pa isipin ng ibang estudyante. Thank you na lang po." Nahihiyang sabi niya.
"Did I make you uncomfortable?"

'Yes sir. You just made me uncomfortable.'
Pero para bang hindi siya mapakali dahil parang may mga matang nakatingin sa kanya.

"H-hindi naman po sa ganon, pero sa ikabubuti niyo ito."

Natawa ang guro sa sinabi nito.
"No buts. Let's eat."

She's walking slowly behind her instructor. Ewan niya ba. Hindi siya komportable dahil alam niyang marami na naman ang magagalit sakanya. For sure bukas o makalawa, madami na naman ang mag bubully sakanya.

"Here. I ordered you some veggies and meat so you can choose what you want to eat." Inilapag na ng guro nito ang biniling pagkain para sa kanila.
"Athena right?"
"Y-yes sir." She said while smiled awkwardly. Her eyes widened in an instant because of her intructor suddenly leaned towards her. His checking every part of her face.

"You're beautiful Athena. Why are you hiding that beautiful face of yours?" He asked out of curiosity.

Nag aagilap siya ng sasabihin but she was lost for words.

"Ah eh.." hindi na natapos ni Athena ang sasabihin nang..

"She's not beautiful Sir. Guwapo siya. And sa palagay ko sir, hindi magandang tignan ang isang guro at estudyante na magkasamang kumakain lalo pa't may maraming estudyanteng nakatingin sainyo. Can I now take him away? I'm just stating the fact sir." Mayabang nitong sabi at agad na hinila ni Louie si Athena palabas ng canteen.

Bulong bulongan ng mga estudyante ang pag hila nito sakanya. Sa pag kaka alam niya, walang gustong makalapit sa misteryosong lalaki na ito. Ngunit hindi niya maintidihan na basta na lang siya nito hinila.

Naguluhan si athena sa nangyari. Ngayon niya lang din naramdaman na mabilis na kumakabog ang puso niya hindi niya alam kung sa kaba o sa ibang dahilan.
'my god ano ba ito'

My Errand Girl #1 Louie MonteverdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon