Errand girl
Tamad niyang minulat ang mata nang marinig niya ang tunog ng alarm clock niya.
Its been a week already. Mabuti nga sa buong linggong yun ay hindi niya ito nakita.Siguro magaling lang siyang magtago, o hindi kaya hindi na siya nakilala since hindi na niya sinusuot ang malalaking tshirt. Hindi na rin siya gumagamit ng wig.
She got the chance to rid those shirts and wig. Ngayong may dahilan na siya, gusto niyang hindi na sila maglandas pang muli.
Pati ang mga kaklase niya ay hindi makapaniwala pagkita sa kanya. Hindi na rin siya nakakaranas ng pang bubully mula sa kanila.
Maging si kelly ay hindi rin siya nito nakilala, but she's happy since kelly wanted to get rid of those things.Maging ang pamilya niya ay natuwa. Buong pamilya nga ba niya o ang kuya alexis niya lang?
Flashback
Abala si athena sa paghahanap niya ng isang maletang puno ng pang babaeng damit. Pinambili siya ng ama niya magagarang damit sa tuwing sumasahod ito. Ngunit naipon lang ito dahil sa dahilan niyang gusto niyang maging isang anyong lalaki.
Dahil gusto niyang matanggap din siya ng ina niya. Wala siyang tanging hiling kundi ang makaranas din siya kung paano mag alaga ng isang ina. Ngunit lumipas na ang mga taon hindi pa rin siya nito natatanggap. Siya pa din ang sinisisi nito sa pagkawala ng asawa nito.
Nagagalit man ang ama niya noon dahil parang binabalewala lang niya ang pinambibili sakanya. Ngunit nangako rin ito sa ama na balang araw maisusuot niya rin ang mga ito.
"Ito na siguro ang panahon papa, para maisuot ko ito. Pasensya kana pa, sana nakita mo man lang akong sinuot itong mga damit na pinamili niyo saakin."
Hanggang sa nahanap na niya ang maletang puno ng damit.
"Ma, mga kuya pasok na po ako."
Sigaw niya at pinagligpit na niya ang kinainan. Kinuha niya ang bag ngunit nagulat siya nang may humawak sa braso niya."S-sino ka?" Halos matawa siya sa tanong ni Anton.
"Kuya ako to si Athena."
"Ikaw yan? Paano?" Naguguluhan pa rin niyang tanong.
"Kuya umupo kana at kumain. Madami dami ang niluto ko para sainyo ni mama. Kumain kayo ng mabuti."Sa tuwing umaga kasi bago siya pumasok ay siya ang laging nagluluto ng almusal. May kaya na sila ngunit hindi pa rin sapat ang sahod ni Alexis para makakuha sila ng katulong. Wala ring nahahanap na trabaho ang kuya anton niya, tuwing nabibigo kasi sa pag aapply ay wala ibang gawin kundi ang sumugal na naman ulit o hindi kaya ang uminom.
"Kuya alexis tara na." Sigaw niya ngunit halos nagulat siya ng nakita niyang lumabas ang ina mula sa kwarto.
"Ah mama, kain na ho kayo. Sabay na kayo ni kuya anton." Sabi niya ngunit sa hindi niya inaasahan tumango ang kanyang ina at nagpatuloy na sa paglakad papunta sa kusina.
BINABASA MO ANG
My Errand Girl #1 Louie Monteverde
RomanceThe story of my life was not worth to live. So, why live? Why was I born? I have no reason to live my life. Why was I born as a woman? My mom cherish my two brothers. Where should I place myself? Saan ako puwedeng lumugar ? Kailan nila makikita a...