Isang diecisieteng binata lamang ako na nakatingin sa malaking kompanya na nasa harapan ko. Matinding galit ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang pamilya nila na masayang palabas sa malaking building na siyang minsan nang pinagtrabahuhan ng aking ama.
How can their family be this happy after ruining mine?
"Are you one of the worker's son of our company?" tanong ng isang dalagita na masasabi kong hindi pa nga yata siya kinse man lang. A thirteen-year old, perhaps?
May malaporselana siyang kutis at ang buhok niya ay parang isang alon sa dagat. Ang kanyang mapupungay na matang nakatingin lamang sa akin na tila kay gandang pagmasdan.
"Aren't you gonna answer me, kuya?" she asked me again, looking intently on my eyes.
Kuya?
Seriously?
"Hindi. Wala akong magulang na nagtratrabaho sa inyo," sagot ko sa mababang boses.
"Mavic, let's go," tawag sa kanya ng kanyang ina dahilan upang mapalingon siya roon. Kinuha ko na ang pagkakataong iyon upang makaalis.
I can see her questioning eyes, maybe thinking kung saan ako nagpunta. Pero nang tawagin siyang muli ay agad naman siyang lumapit na sa kanyang magulang.
Darating din ang araw na magbabayad kayo sa ginawa niyo kay papa. Sisiguraduhin ko na kapag dumating iyon ay lubos na sakit din ang mararanasan niyo. Kayo na mismo ang pupunta sa amin upang magmakaawa na patawarin namin kayo.
"Nasaan si mama?" tanong ko kay Luisana nang kumakain na kami ng hapunan.
"Hindi pa nga umuuwi kuya eh. Grabe naman kasing magtrabaho si mama. Baka magkasakit naman siya sa ginagawa niya," nag-aalalang saad ng nakakabata kong kapatid.
"Sana ay hindi na lang tayo iniwan ni papa para kompleto pa rin tayo hanggang ngayon," malungkot na wika ni Luisana dahilan upang guluhin ko ang buhok niya.
She's too young to understand things. Ayokong mabuhay din siya sa galit tulad ko at ni mama. She's too precious for that.
"Hindi niya naman tayo tuluyang iniwan. Binabantayan niya pa rin naman tayo kahit nasa heaven na siya," saad ko sa kapatid upang hindi na siya malungkot.
Ginawa ni mama lahat upang mabigyan kami ng magandang buhay ni Luisana and I adore her for that. Kahit nahihirapan na siya ay kinakaya niya para sa amin. Kahit nasasaktan din siya ay hindi siya sumuko para sa aming magkapatid. Kaya pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat upang maging abogado dahil naniniwala ako na darating din ang araw na makakapaghiganti rin ako sa mga taong sumira ng pamilya namin.
Hindi dapat sila masaya. Hindi dapat sila nagpapakasasa sa kayamanan nila. People think their family is good. Many looked upto them but not us. Alam na alam ko kung gaano kabaho ang pamilya nila. Mapagpanggap na mabubuting tao upang makakuha ng simpatya pero ang totoo ay nasa loob naman ang kanilang kulo.
They don't deserve to be given a second chance dahil sila mismo ay hindi iyon naibigay sa tatay ko.
"Mukhang kailangan namin ng abogado dahil may gustong sumira sa brand name na pinakaingat-ingatan ng kompanya," saad ni Adrian at nang maalala kong sa kompanya siya ng mga Reyes nagtratrabaho ay hindi na agad ako nagdalawang-isip na tanggapin.
I could now start to plot my own revenge on them. Sa pagkakataong ito ay wala na silang kawala. They will pay and I will make sure of that.
Nang makita ko si Maja Victorina ay naisip kong maari ko siyang magamit upang makapaghiganti lalo pa't nakikita ko sa kanyang mga mata na may gusto siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Fearless Love
RomanceAMOR SERIES # 2 Amor Valiente Anger. Vengeance. And love. Can Maja Victorina fight for her love fearlessly even if the world is against it?