Naranasan mo na bang mainlove? yung tipong makita mo lang siya buo na agad araw mo. Yung makita mo lang siyang nakangiti o nakatawa, matik mapapangiti ka na lang din nang wala sa oras. Tapos kapag malungkot naman siya at may problema, aba at ikaw pa ang mas nasasaktan kesa sa kanya, kaya ikaw todo comfort sa kanya dahil yun lang naman ang kaya mong gawin.
Nakilala ko siya noong 7 years old kami, oo childhood friends kami, or should I say BESTFRIEND kami. ha-ha bestfriend lang.
Ang hirap pala no kapag kaibigan lang tingin sayo ng taong gustung-gusto mong mapasayo. Yung ang lapit lapit niya sayo pero may harang, may boundaries. Hindi mo pwedeng pasukin ang mundo niya, hindi siya pwedeng maging iyo.
Meeting you was the greatest and most hurtful things that ever happened in my life.
Hindi ko ginusto to at kung papapiliin man ako, sana pinigilan ko na lang nung simula pa lang para hindi na lumala at hindi na umabot sa point na mahal na mahal na kita, bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Bestfriend
Teen Fiction"Action speaks louder than words.." ".. But action without words is confusing". Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, putchang tadhana kasi yan e! GUSTO KONG MAG TAKE NG RISKS. Mas gusto kong kung masasaktan ako, atleast i tried my best, I too...