IFILWMBF 5:

7 2 0
                                    

Rei na marupok's POV:
"Oh girl! bat ang itim itim ng eyebags mo ha?! Di ka na naman natulog noh!"

Oo! Hindi talaga ko nakatulog dahil ba naman sa kakahintay ko ng reply ni Jin sakin! Umasa ko na makakachikahan ko ulit siya kahit saglit lang bago matulog, dami ko pa namang gusto ikwento psh! tatanong ko na rin sana yung about kay Nikki..
"Wao magtatanong, kala mo gerlpren" "Tse!"
kaso umabot na ng 12:00 am.. 2:00 am.. 4:00 am.. DA FUUUCK namuti lang mata ko sa kakahintay sa reply ni Jin ko at pagiimagine ng mga kung anu-anong bagay na kasama siya, haha! Malala na nga talaga ako. "Buti alam mo! Obsession na yan gerl, katakot ka na." Mapapa wtf na lang talaga ko sa sarili ko! tss. Pati sarili ko di ko makasundo haha! Lol.

"Di kase ko makatulog, buong magdamag kasi ata akong pinagnanasaan ni Jin ko kagabi kaya ganun! Ganon yun diba? Pag di ka raw makatulog ibigsabihin may nagnanasa— este umiisip daw sayo." Bigla naman akong nakatanggap ng isang malakas na batok mula sa bff kong si Mandy.

"ARAY KO NAMAN MANDY AVILA - TOLENTINO, umagang umaga napaka sadista mo! psh di siguro masarap almusal mo ngayon noh!" - pagaatungal ko, badtrip kase umagang umaga, batok ni Mandy ang almusal ko.

"Oh bat kayo nagsisigawan Reina, ng misis ko?" Napatingin ako sa kakapasok pa lang ng pinto na si Mr. Pres. na ngiting ngiti at proud na proud sa pagkakasabi sa 'misis ko' na sinabi niya. "Misis ko"?? WTHHH???? Napatingin na lang ako sa kanya na parang nagtataka na nangaasar.

"A—a— a-nong mi- mi- mi-sis ka diyan ha!!" - uutal utal na sabi ni Mandy habang nakayuko. OMGG! Hahahahahaha pulang pula na naman po ang mukha ng nagiisang Mandy Avila hahahahaha ang qt qt niya talaga pag namumula! dumagdag pa yung mukha niyang sobrang nahihiya na kinikilig, at paguutal niya, Loui is so lucky!

"Eh sabi ni Reina, Mandy Avila - Tolentino raw e, edi misis kita" - di pa rin nawawala ang nakakalokong ngiti ni Mr. Pres haha! Mapapa sana all na lang ho talaga ko sa dalawa!

"Ba-ba-baket?! po-porket Tolentino ba ik-aw na a-agad ha?! Di ba pwedeng baka papa mo, o kapatid mo, o pinsan mo?! tse!" Napailing na lang si Loui na hindi pa rin maalis sa mukha ang nakakalokong ngiti. Dumiretso na siya sa upuan niya.

"Nagenjoy naman ako dun sa eksena kanina, bat di pa kasi maging kayo? Ligawan mo na Mandy! Gawan ko pa kayo love team o kaya page sa fb e! For sure sisikat kayo, baka kumita pa ko sa inyo! Haha #LouDy, ayos ba?! Hahahahaha" - pangaasar ko sa kanya, nakita ko naman ang lalong pamumula ng mukha ni Mandy kaya tumalikod na lang ito sa akin

"Heh! Tumigil ka na nga Rei at yang si Jin na lang ang intindihin mo! Bwiset kayo! tsaka sino ba talaga bff mo?! Ako o yang si Loui?!?!! tss. TSAKA IN-UNCRUSH KO NA NGA SIYA!!!" - nakatalikod pa rin siya habang nagsasalita hahahahhahaha paka cutiee talaga netong bff ko! Ganda sana mukhang timang lang talaga pag dating kay Loui, haha!

"Guysss! Announcement!!" - pagsasalita ni Vice Pres, for sure about yan sa gaganapin na foundation day. Kung nagtataka kayo kung bat ang VP ang nagaannounce at hindi ang President dahil hindi ito nakakapunta sa meeting dahil busy sa practice para sa Mr. & Ms. NMS, shett! Bff ko nga pala ang partner niyaaa! excited na ko!

"May good news ako sa inyo! Idk kung matutuwa ba yung iba sa inyo dito or hindi dahil ang late ng announcement, but just think on the brighter side okay?" Napatango na lang kami kay Vice Pres, at yung iba naman halata mong interesadong interesado sa iaannounce ni VP.

"So In the next 4 days, sa last day ng ating foundation day ay magkakaroon tayo ng Masquerade Ball!.." - Bigla namang nagsisisigaw ang mga kaklase ko dahil sa tuwa at excitement dahil pinilit talaga ng mga student council dito sa school na magkaroon ng party, o NMS night tutal eto na rin naman ang last foundation namin sa school.

I Fell Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon