Rei's POV:
"I saw what you've seen earlier."Napatingin ako sa katabi ko. Onga pala andito kami ngayon sa sasakyan ni Sid, pauwi na kami.
"Then?" - maikling sagot ko
"So kaya ka napaiyak?"
"And so?" - matabang na sagot ko. Badtrip naman to si Sid, ayos na kami e! Bat kailangang i-open pa yung kanina?!
"You know Madellaine, If you love him, why don't just say it straight to his face?! Alam mo, mas gagaan ang pakiramdam mo kapag pinagsigawan mo yung isang bagay na gustung gusto mong malaman ng lahat, lalo na niya. For once, please be brave enough to face your own feelings."
"Akala mo ba madali lang para sakin yon?" walang emosyon na sagot ko sa kanya, pero deep inside, durog na durog na ko. Gusto kong bigla na lang bumigay.
Yea. He's right, pero tingin niya ganun lang ba kadaling gawin yun? lalo na at BESTFRIEND KO PA yung taong mahal na mahal ko.
"Hindi ko alam kung sino ba talaga ang manhid sa inyong dalawa e, o baka pareho. Tss." - naiinis na parang nasasaktan niyang sagot. Wait— what??! nasasaktan?? napatitig tuloy ako sa kanya, kitang kita sa mga mata niya na nasasaktan siya pero bat naman siya masasaktan diba? ah ewan! baka gaya gaya lang talaga siya, naiinggit kase ako may lovelife pero siya wala, haha!
"Lovelife? Ano ulit?? Assumera! Illusionada!"
"Taena mo talaga self! -.-"
"Kung nasasaktan ka at nahihirapan na, bat di ka na lang mag move on? bat di ka na lang maghanap ng iba? For sure marami diyang nagaabang sayo, naghihintay na baka isang araw mapansin mo rin, ituon mo rin kasi ang atensiyon mo sa iba at wag puro kay Reijin lang." - sabi niya habang titig na titig sakin pero iniwas niya rin agad pagtapos niyang magsalita.
"Sid, you know how much i tried! did you? diba nga, tinry pa natin noon na maging magkarelasyon for 1 month? Kita mo naman diba yung effort ko nun para kahit papano mabaling sa iba ang atensyon ko at hindi puro na lang sa kanya diba?!" - bigla ko na namang naalala yung past namin ni Sid. Nandidiri na lang talaga ko pag naaalala ko yun e! Haha char.
Btw. Nangyari yun nung 2nd Year Highschool kami nila Jin. Transfered student nun si Sid at hindi naman maipagkakaila na gwapo talaga ito, mukhang inosente nung una pero puta habang patagal ng patagal puro kagaguhan at kalokohan na rin sa room! Lagi kaming inaasar na dalawa ni Jin sa room ng mga kaklase namin dahil lagi nga kaming magkasama at talagang close na close kami simula pagkabata. Puro tanggi naman ako at nagagalit sa tuwing magkaka-issue kaming dalawa ni Jin, kahit pa na totoo naman na gustung gusto ko na noon palang ito, dahil ayokong malaman niya kasi diba baka iwasan niya ako bigla at baka mamaya masira pa yung friendship namin. Tsaka obvious naman na wala siyang pake sa tuwing ini-issue kami, lagi niya pa ngang sinasabi na 'hindi naman daw yun totoo, at hindi naman daw yun mangyayari dahil bestfriends forever daw kami' taena na lang talaga!
kaya ok sige, hindi ko na lang ipipilit. Kaya naman nung biglang may kumalat na gusto ko raw si Sid, na hindi ko alam kung sinong ulupong ang nagkalat non, ay pinangatawanan ko na lang. Nalaman yun ni Jin, nagkatampuhan pa nga kaming dalawa non at ilang araw hindi nagkausap, dahil bakit mas una pa raw nalaman ng iba kesa sa kanya, eh siya raw ang bestfriend ko—pota oo na! nakaka rindi na yang BESTFRIEND BESTFRIEND na yan! Tss. Pero aba pota! ako nga, walang kaalam alam sa mga nangyayare e, kupal kase yung nagissue! tss -.- Pero yun after ilang days din nagkaayos na kami, tapos tinropa niya na rin si Sid, at don na nagsimula ang friendship nila. Madalas din kaming asarin non ng mga classmate namin ni Sid, matatanggap ko pa sana kung mga kaklase ko lang e, pero gago?! pati si Jin non nakikiasar, at hindi man lang mababakasan sa mukha na nasasaktan siya o selos.
Like wtf?! ang tuleg ko para isipin na posibleng gusto rin ako ni Jin at tinatago niya lang din dahil parehas kaming natatakot, haha! Naniniwala kasi ako nun sa "Action speaks louder than words" na yan! Pano ba naman kasi sobrang alaga, bait, protective, clingy sakin ni Jin. Pati yung mga actions niya at pagtitig titig sakin e, ramdam kong may iba e! na may something! Kaya sino ba namang hindi bibigyan yun ng malisya diba?! PERO OO AMINADO AKO NA SOBRANG TULEG KO SA PART NA YON, dahil pota! malamang bestfriend niya ko kaya ganon! psh sinong niloko ko tss. At yun nga, hindi nagtagal medyo naging close na rin kami ni Sid, at nung nalaman niya ang sitwasyon ko, ay sinabi niyang tutulungan niya ko para makalimutan si Jin, edi G na lang ako. Andami pang ibang nangyari but to make the story short, hindi naging successful, nakipag break din ako dahil alam niyo na, BOBO AKO E. NAGPADALA NA NAMAN AKO SA NARARAMDAMAN KO KAY JIN, kaya eto ko ngayon tangang tanga sa kanya ha-ha!
"Yea, I know." - Mapaklang sagot ni Sid. Bat parang nasasaktan siya? eh in the first place e trip trip lang naman yung nga nangyare non, at mga bata pa kami nun! mga immature pa pagiisip namin. Tsaka sa 1 month nga na naging kami ni Sid e para lang kaming magtropa, haha! Nagiging sweet lang kami ni Sid kapag nasa harap ni Jin, teka parang di nga maituturing na sweet yon dahil akbay lang at hawak sa kamay saglit ang nagagawa sakin ni Sid, dahil binabatukan ko talaga siya o pinagpapalo kapag chinachansingan niya ko, haha! Pero trust me, tinry ko talaga na ituon ang atensyon ko kay Sid nung mga oras na yun, pero wala e.. wala talaga! mas nanaig ang nararamdaman ko para kay Jin. Hays.
"Andito na tayo" - walang kaemosyon emosyon niyang sabi. Napatingin naman ako sa labas, haha oo nga.
"Thankyou sa paghatid Sid!" - sabi ko sabay ngumiti ng tipid, bat biglang ang awkward ng atmosphere dito? lol lalabas na sana ko ng kotse ng—
"Madellaine, please stop hurting yourself kasi merong isang tao diyang nadudurog sa tuwing nakikita kang nasasaktan. Goodnight"
Halo halong expression ang nakikita ko sa mukha ni Sid, Regrets? Longing? emptiness? but one thing is for sure, sobrang nasasaktan siya. Teka? bat naman siya nasasaktan??? nginitian ko na lang siya at bumaba na ng kotse niya
Kahit kailan talaga agaw eksena to si Sid e, ako ang dapat na malungkot dito, bat mukhang siya pa yung mas kawawa?? hmp char lang! Haha. Pero nagtataka pa rin talaga ko hanggang ngayon hMm may problema ba siya?
Bigla namang tumunog yung cp ko, at dali dali itong kinuha sa bag ko.
From: Jin panget
"Goodnight Rei! Sleep tight. Hope you spent your day well! Pumunta pala ko kanina sa inyo, kaso wala ka pa."Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pagguhit ng ngiti sa aking labi. Damn! Bat ba lumalabas ang pagiging marupok ko pag dating sa kanya?! God! Ang sarap pong halikan—este sapakin ni Jin huhu
———————————————————————————————
Isa ka rin ba sa mga kasali sa samahan ng mga marurupok na kagaya ni Rei?! Let me know your thoughts guysss!! Haha! Vote & Commenttt!! Thankyouuuu!! :'))
![](https://img.wattpad.com/cover/225809660-288-k920488.jpg)
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Bestfriend
Novela Juvenil"Action speaks louder than words.." ".. But action without words is confusing". Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, putchang tadhana kasi yan e! GUSTO KONG MAG TAKE NG RISKS. Mas gusto kong kung masasaktan ako, atleast i tried my best, I too...