Rei's POV:
Andito ako ngayon sa library magisa dahil vacant kami ngayong buong araw, ewan ko ba mga busy kasi ata yung nga teachers, pasahan na rin kasi ng grades at mukhang magiging busy pa sila sa darating na foundation day. Gusto ko sanang kulitin ngayon si Jin ko kaso baka kasi may klase pa sila e, at hindi pa rin naman siya nagrereply sa text ko na kanina pa, so baka nga.Corny e! kanina pa tuloy ako ditong magisa! hayy ang boring! Makipag away na lang kaya ako ulit sa sarili ko? hMm haha, char lang! Baka mamaya matakot pa ibang estudyante dito e at mapagkamalan pa ngang baliw tss.
"Bat hindi ba? baliw ka naman talaga ah? Di lang yon, illusionada na assumera pa"
Fuck! kakasabi ko lang na di ko kakausapin sarili ko pero eto na naman ang gaga, mukhang makikipag away na naman sakin! Letche!
"Baliw na baliw kay Jin yiE!" - dugtong niya pa.
"YiE" - sagot ko rin! wao improving ka self ah! unti unti ka ng natututo ng Good Manners & Right Conduct! So proud of my self ehe! Bigla namang nawala ang ngiti ko habang pinupuri si other self ko ng—
"Ulol. Asa pa more! Haha! Patanga" - sabi niya at ginaya pa yung pose ni Cong tv na nakaganto '☝🏻'
WTFFFF??!!!?!
Dahil sa sobrang inis ko ay napasigaw ako at nadanggi ko pa yung libro na nasa gilid ko kaya ito nalaglag. Napatingin naman ako sa paligid ko, at lahat sila napatingin sakin na halu-halo ang mga reaksyon, may nagtataka, may parang natatawa, may ibang napailing na lang, at may ibang ang sama sama ng tingin sakin at isa sa mga yun ay— ay— ay ang masungit naming librarian. Shit! I'm dead.
Naglalakad ngayon yung librarian namin papunta sakin. Shit. Kasabay ng paglapit niya papunta sakin ay ang paglakas ng kabog ng dibdib ko. Ano ba to! wag naman sana mabasa to ni Jin, baka magselos huhu sabihin di ako faithful sa kanya e, hmp. E siya lang naman bbloves ko mwehehe char! Kidding aside! pota ilang hakbang na lang at makakalapit na sa harap ko si Ms. librarian huhu! laking pasasalamat ko rin na sobrang laki nitong library at medyo nasa dulo pa ko nakapwesto phew! Makakapagdasal pa ko sa iba't ibang mga santo, diyosa, babaylan, basta sa lahat na! huhu!
"Lord, help me po sa paparating na alagad ni satanas. Huhu"
"Anong binubulung-bulong mo miss?" Fuck! nasa harap ko na ngayon si Ms. librarian na nakakunot ang noo at grabe kung makatitig sa akin. Parang sinusuri niya ang buong mukha ko. Mapapa shit ka na lang talaga sa mga nangyayari e!
"wa-wa-wala po, hehe" - natatakot kong sagot at pasimpleng nag sign of the cross. Shet kahit naman mukha kong matapang dahil sa mga inaasta ko pag dating kay Sid, kapag nakakatanda naman na sakin ang kaharap ko, ibang usapan na yun! huhu.
"Anong 'mukha'? Gaga! Matapang ka talaga! Yung sa sobrang tapang pati maling tao na bestfriend lang tingin sayo pinaglalaban mo! lol" Tss.
Bigla na lang ako napapikit sa sobrang kaba ng biglang nilapit ni Ms. Librarian ang kamay niya sa mukha ko.
"Iha" - napadilat ako bigla. Ehh?? hindi na ngayon nakakunot ang mukha ni Miss Librarian. From nakakatakot na alagad ni Satanas naging Maamong parang anghel na. Wao lakas ko naman kay G!
"Iha, anong skin care mo? hehe kanina pa kasi kita tinititigan e. Ang kinis kinis kasi ng mukha mo tas yun parang wala pang ka pores pores. Clear skin ang tawag diyan iha hindi ba? Syempre, tumatanda na ko at nagkakawrinkles na rin, ayoko namang pagsawaan ako ng asawa ko hihi kaya do you mind if sabihin mo sakin ang skin care mo? hehe penge na rin tips" - sabi ni Ms. Librarian habang hinahaplos haplos pa rin ang mukha ko.
EHHHH???? as in literal na napanganga ako.
"Ah eh ano po, ang skin care ko po ay ajjddjcnewkskssk"
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Bestfriend
Teen Fiction"Action speaks louder than words.." ".. But action without words is confusing". Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, putchang tadhana kasi yan e! GUSTO KONG MAG TAKE NG RISKS. Mas gusto kong kung masasaktan ako, atleast i tried my best, I too...